Huling Liham by Geo Ong
Huling Liham by Geo Ong

Huling Liham

Geo Ong * Track #5 On Concerned Citizen

Download "Huling Liham"

Huling Liham by Geo Ong

Release Date
Mon Mar 19 2018
Performed by
Geo Ong
Produced by
J-Lhutz
Writed by
Geo Ong

Huling Liham Lyrics

[Verse 1]
Isang gabi, kausap mo ang iyong nobya
Gaya ng dati, siya ay iyong binobola
Nakaramdam ka ng init ng katawan
Hiningan mo siya ng video ng kaniyang maselang harapan
Ang sabi niya, "'Di ko pwedeng pakita ’to kanino man"
Sabi mo, "Promise, pagtapos ko, buburahin ko 'yan"
Sabi niya, "Ayoko nga", nagpumilit ka pa rin
Nung sinabi mong "Tiwala lang", napilitan siyang gawin

[Verse 2]
Hanggang sa nagpadala siya ng videong hubo't hubad
Nagsarili ka kaagad, pagka-sent, kumot agad
Pagtapos mong pagnasahan, tinignan mo ulit siya
Tingin mo na sa kaniya, eh ang dumi-dumi niya
Naisip mong i-post online ang katawan niya
Na may malaswang caption at naka-tag pa siya
Nung nakita niya, umiiyak siya nang nagmamakaawa
"Tanggalin mo ’yan, please, para mo nang awa"
Hanggang sa nag-umpisa ng i-like, i-share ng mga tao
Mga komentong bastos na hindi makatao
May mga naaawa at may mga natatawa
Nakita na rin pati ng mga barkada niya
May kaibigan kumampi, may kaibigang nanghusga
'Di malabong katawan niya'y sa libingan ang punta
May mga pinakita sa kamag-anak nila
'Yung mga taong masaya 'pag nakatapak sila

[Verse 3]
Kinabukasan ay pumasok siya sa paaralan
Halos lahat, 'di mapigilan na siya'y pagtawanan
Hanggang sa nasa loob na siya ng kaniyang klase
Tinatanong siya ng lahat, tungkol do'n sa nangyari
Pinatawag ang magulang niya ng guro niyang mabagsik
At pagtapos ng usapan, siya pala’y pinatalsik
Pati magulang siya’y sinaktan dahil sa kahihiyan
"'Di ko anak ’yan, sino ba 'yan? Jusko, kadiri 'yan"
Pakiramdam niya ngayon, sirang-sira na buhay niya
Kahit saan siya magpunta, pinag-uusapan siya
Iba't iba ang naririnig niya, salitang masakit
Dahil sa kumakalat niyang balitang mapait

[Verse 4]
Hanggang sa naisipan niya nang magpakamatay
Isinaksak sa tiyan ang kutsilyong hawak sa kamay
Pinuntahan siya ng magulang niya para bigyang gabay
Pero ang naabutan nila, anak nilang patay
Humagulgol sa kakaiyak ang dalawang mag-asawa
Kailan man ang anak nila’y 'di na makakasama
Dumating ang mga kamag-anak at mga kaibigan
Ang natatanging mga tao na kaniyang sandigan
'Di makapaniwala ang lahat na isang buhay na naman ang nawala
At nalaman na lamang ng kaniyang nobyo ang nangyari
Nang makita niya ang huling liham ng babae at ang sabi

[Outro]
"Oo, inaamin kong mali ang ginawa ko pero mahal ko
Mas mali ang ginawa mo, nagtiwala ako sa'yo 'pagkat mahal kita
Baka 'pag 'di ko ginawa maghanap ka ng iba
Tapos sa kabila ng lahat ay nagawa mo 'yon
Bagay na sa atin lang dapat nakakalat na ngayon
Ilang taon, ilang buwan din ang ating tinagal
Kung alam ko lang, 'di na ikaw ang aking minahal
Sa ginawa mo parang binawian mo na 'ko ng buhay
Ang bigat-bigat para akong nakabaon sa hukay
Wala na, wala na 'kong mukhang ihaharap
Pati magulang ko, 'di na 'ko matanggap bilang anak
Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa 'to
Mas mabuti pa siguro kung tapusin ko na 'to
Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa 'to
Mas mabuti pa siguro kung tapusin ko na 'to"

Huling Liham Q&A

Who wrote Huling Liham's ?

Huling Liham was written by Geo Ong.

Who produced Huling Liham's ?

Huling Liham was produced by J-Lhutz.

When did Geo Ong release Huling Liham?

Geo Ong released Huling Liham on Mon Mar 19 2018.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com