Dumaan Ako by Joey Ayala
Dumaan Ako by Joey Ayala

Dumaan Ako

Joey Ayala * Track #3 On Lupa’t Langit

Dumaan Ako Lyrics

[Verse 1]
Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
Parang ang puso ko itong nadudurog

[Instrumental Break]

[Verse 2]
Kung mag-isa ako ay huwag nang isipin
Sa dilim ay dapat pa akong hanapin
Habang may luha ay huwag pang ibigin
Sa pangarap ko ay huwag nang gisingin

[Verse 3]
Kaya kong maghintay sa mga tula mo
At makinig sa awit mula sa kabilang dako
At sa paglalakad sa lilim ng mga puno
Matutuklasan ang laman ng pusong malayo

[Instrumental Break]

[Verse 4]
At mapapanood ang sayaw ng mga tutubi
Sabay sa indak at lipad ng ibong humuhuni
At hihinahon na itong hindi mapakali
At makakahimlay sa mapayapang gabi

[Verse 1]
Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
Parang ang puso ko nga itong nadudurog
Parang ang puso ko itong nadudurog

Dumaan Ako Q&A

Who wrote Dumaan Ako's ?

Dumaan Ako was written by Joey Ayala.

When did Joey Ayala release Dumaan Ako?

Joey Ayala released Dumaan Ako on Mon Aug 04 1997.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com