[Verse 1]
Namulat at nagising
May mga bagay na dapat tanggapin
Sugat ma'y gumagaling
'Unti-unting sakit napapawi
[Pre-Chorus]
Sa paghupa ng ula'y nabibighani
Masilayang muli ang kulay ng bahaghari
[Chorus]
'Di ba't ganyan ang buhay? Paiba-iba ng kulay
Ikaw na rin ang siyang patunay
Tuloy-tuloy, tuloy-tuloy, tuloy-tuloy lang
Kaya't wala ng luha, tama na
Tuloy-tuloy lang
[Verse 2]
Gabi man ay kay dilim
May umaga pa rin naman na darating
Natutong di magpaapi
Sa daluyong ng buhay minsan kay lupit
[Pre-Chorus]
Sa paghupa ng ula'y nabibighani
Masilayang muli ang kulay ng bahaghari
[Chorus]
'Di ba't ganyan ang buhay? Paiba-iba ng kulay
Ikaw na rin ang siyang patunay
Tuloy-tuloy, tuloy-tuloy, tuloy-tuloy lang
Kaya't wala ng luha, tama na
Tuloy-tuloy lang
[Bridge]
Ang pagsikat ng araw
Liwanag tuwina'y tanaw
At walang pangamba
Mga labi may awit na buhay ay tuloy-tuloy na
[Chorus]
'Di ba't ganyan ang buhay? Paiba-iba ng kulay
Ikaw na rin ang siyang patunay
Tuloy-tuloy, tuloy-tuloy, tuloy-tuloy lang
Kaya't wala ng luha, tama na
Tuloy-tuloy lang
[Outro]
Namulat at nagising
May mga bagay na dapat tanggapin
Tuloy Tuloy Lang was written by Kiko Salazar.
Aicelle Santos released Tuloy Tuloy Lang on Thu Dec 17 2015.