[Intro]
Ooh-ooh, oh-ooh, oh-ooh
[Verse 1]
Atras abante, hindi ko maintindihan
Minsan kampante, bigla na lang mawiwindang
Paulit-ulit lang buong maghapon, para lang nakakahon
Pawang nagtapon, naubos lang ang panahon
[Pre-Chorus]
At nang tinawag mo, inawat mo ang ikot ng mundo
Niyakap mo't binago ang pulso
[Chorus]
Hindi mapipigilan ng daluyong
Hindi mababagabag ng dagundong
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Ooh, oh-oh
[Verse 2]
Sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal (Oh-ooh, oh-ooh)
S'yang nararapat sa puso kong napapagal (Ooh-ooh, oh-ooh, oh-ooh)
Lahat ay kakayanin kong daanan, kayang-kayang lampasan
Walang hangganan, ngayon at magpakailanman
[Pre-Chorus]
'Pagkat tinawag mo, inawat mo ang ikot ng mundo
Niyakap mo't binago ang pulso
[Chorus]
Hindi matatawaran ang pangarap
Hindi mababawasan ang lagablab
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Ooh, oh-oh
[Bridge]
'Di ko kaya pag wala ka, 'wag na
Sa piling mo ay may pag-asa
Sa piling mo, walang iba
[Chorus]
Hindi mapipigilan ng daluyong
Hindi mababagabag ng dagundong
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Ooh, ooh-ohh
Hindi matatawaran ang pangarap
Hindi mababawasan ang lagablab
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
Ooh, ooh-ooh
[Outro]
Ooh-ooh, oh-ooh, oh-ooh
Ooh-ooh, oh-ooh, oh-ooh
Sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal
Kapangyarihan Ng Pag-ibig was written by Jungee Marcelo.
Kapangyarihan Ng Pag-ibig was produced by Aicelle Santos.
Aicelle Santos released Kapangyarihan Ng Pag-ibig on Wed Sep 09 2015.