Tayo'y Mga Pinoy by Judas
Tayo'y Mga Pinoy by Judas

Tayo’y Mga Pinoy

Judas * Track #7 On Judas

Tayo’y Mga Pinoy Lyrics

[Chorus]
Tayo'y mga Pinoy
Tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya
Kung ang ilong mo ay pango

[Verse 1]
Dito sa Silangan ako'y isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Ako ay may sariling kulay: kayumanggi
Ngunit hindi ko maipakita tunay na sarili

[Verse 2]
Kung ating hahanapin ay matatagpuan
Tayo ay may kakanyahang dapat na hangaan
Subalit nasaan ang sikat ng araw?
Ba't tayo ang humahanga doon sa Kanluran?

[Pre-Chorus]
Bakit kaya tayo ay ganito?
Bakit nanggagaya? Mayro'n naman tayo

[Chorus]
Tayo'y mga Pinoy
Tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya
Kung ang ilong mo ay pango

[Verse 3]
Dito sa Silangan, tayo'y isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Subalit nasaan ang sikat ng araw?
Ba't tayo ang humahanga doon sa Kanluran?

[Pre-Chorus]
Bakit kaya tayo ay ganito?
Bakit nanggagaya? Mayro'n naman tayo

[Chorus]
Tayo'y mga Pinoy
Tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya
Kung ang ilong mo ay pango

[Bridge]
Mayro'ng isang aso, daig pa ang ulol
Siya'y ngumingiyaw, hindi tumatahol
Katulad ng iba, pa-English-English pa
Na kung pakikinggan, mali-mali naman
'Wag na lang
Mayro'ng isang aso, daig pa ang ulol
Siya'y ngumingiyaw, hindi tumatahol
Katulad ng iba, pa-English-English pa
Na kung pakikinggan, mali-mali naman

[Outro]
Oy, oy, ikaw ay Pinoy
Oy, oy, ikaw ay Pinoy

Tayo’y Mga Pinoy Q&A

Who wrote Tayo’y Mga Pinoy's ?

Tayo’y Mga Pinoy was written by .

Who produced Tayo’y Mga Pinoy's ?

Tayo’y Mga Pinoy was produced by Celso Llarina.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com