[Verse 1]
Dito po sa aming baryo San Ignacio
May isang matandang paurong ang takbo
Kung mag-ayos ay daig pa ang mga bohemyo
Panay pa ang suklay kahit panot na ang ulo
[Verse 2]
Sa panliligaw, lagi siyang numero uno
Groovy manamit, akala mo'y disi-otso
Kalbungal ang ngalan, okay sa arnis de mano
Siya ang lolo kong pormang playboy na mabango
[Chorus]
Lolo, lolo ko, kailan ka magbabago?
Sa sayawan ay lagi kang panalo
Lolo, lolo ko, kailan ka magbabago?
Sa sayawan ay hingal-kabayo
[Verse 1]
Dito po sa aming baryo San Ignacio
May isang matandang paurong ang takbo
Kung mag-ayos ay daig pa ang mga bohemyo
Panay pa ang suklay kahit panot na ang ulo
[Chorus]
Lolo, lolo ko, kailan ka magbabago?
Sa sayawan ay laging panalo
Lolo, lolo ko, kailan ka magbabago?
Sa sayawan ay hingal-kabayo
[Outro]
Lolo, lolo ko, kailan ka magbabago?
Sa sayawan ay laging panalo
Lolo, lolo ko, kailan ka magbabago?
Lolo Lolo was written by Rey Abalona & Bimbo Galura & Alvin De Guzman.
Lolo Lolo was produced by Celso Llarina.