Tao Lang by Loonie (Ft. Quest (PHL))
Tao Lang by Loonie (Ft. Quest (PHL))

Tao Lang

Loonie & Quest (PHL) * Track #3 On Ultrasound

Download "Tao Lang"

Tao Lang by Loonie (Ft. Quest (PHL))

Performed by
LoonieQuest (PHL)
Produced by
Klumcee
Writed by
Loonie
About

http://www.youtube.com/watch?v=a4yM_mLGOq0

This track is Included in Loonie’s First Album: “I Am Normal” Year 2011,“Homegrown Hiphop – Various Artists” Year 2012 and in His 3rd Album:Loonie Ultrasound.
This video got Over 8 Million Views on Youtube.

Tao Lang Lyrics

[Intro]
Uy, si Loonie 'yun ah?
Tara lapitan natin
Idol, FlipTop tayo
Tara, isa lang, kuya, sige na

[Verse 1: Loonie]
Parinig naman ng rap mo, sample naman d'yan
Ang ganda naman ng cap mo, arbor na lang 'yan
Ang yabang mo naman, wala ka bang kanta na bago?
Bakit wala kang battle? Takot ka bang matalo? Ha?
Paulit-ulit ang tanong ng mga tao
'Wag sanang apurado, anong magagawa ko?
Wala akong maisip, masyado pang mainit
Akala mo tuloy mukhang suplado 'pag tahimik
Pagod lang talaga, galing gig Tuguegarao
Walong oras sa van, tatlong oras sa kalabaw
Tapos pag-uwi ko pa para bang hindi ko malaman
Kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula
Laging puyat, nagkalat ang papel na nilamukos
Andami ng kapeng ipinautos
Tinta ng aking bolpen, malapit nang maubos
Isang patak na lang pero aking ibubuhos

[Chorus: Quest]
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko (Tulad ko)
Ako ay tao lang din naman na tulad mo (Tulad mo)
Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian?
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?

[Post-Chorus: Loonie, Quest]
Pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang
Pasensya na

[Verse 2: Loonie]
Kasi sapul sa pagkabata, sablay nung tumanda
Lumakad, humakbang hanggang sa madapa
'Wag kang mawawalan ng pag-asa, 'wag kang madadala
Kung wala ka pang mali, wala ka pang nagagawa
Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad
Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad
Kaya 'wag kang matakot magkamali
Pero alalay lang, 'wag kang masyadong magmadali
'Yan ang sabi sa akin ng aking itay
Na pinapaalala palagi sa'kin ni inay
Na kadalasan ay hindi nasusunod
Ayoko nang sumali, gusto ko manood
Minsan wala ng gana, ayoko nang mag-rap
Kasi akala ko dati, alam ko na lahat
'Yun pala kulang pa ang kaalaman kong labis
Ngayon alam ko na, kung ba't may pambura ang lapis?

[Chorus: Quest]
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko (Tulad ko)
Ako ay tao lang din naman na tulad mo (Tulad mo)
Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian?
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?

[Post-Chorus: Loonie, Quest]
Pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang
Pasensya na

[Verse 3: Loonie]
Pero 'di ba, tao ka lang din, hindi mo ba napansin?
Kahit anong taas mo na, titingala ka pa rin
Kahit planuhin mong mabuti, bakit gano'n pa rin?
'Di maiwasan na magkamali kahit anong gawin
Kadalasan, nangyayari ay ang kabaliktaran
Marami kang detalye na makakaligtaan
Mamamali ka ng daan, lalo kung wala kang ga'nong alam
Anong magagawa mo? Tao ka lang
Napapagod, natatakot, naiinip
Natatawa, nagtataka, naiinggit
Nangangawit, nagagalit, nabibigla
Nalulungkot, nauutot, nahihiya
Natutukso, nakokonsensya, nauubusan din ng pasensya
Nasasaktan, nagmumura pero nagmamahal pa rin kahit natuto na

[Chorus: Quest, Loonie]
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? (Oh, woah-woah)
(Mali ba na magkamali?)
Ako ay tao lang din naman na tulad mo (Ako'y katulad mo)
(Tao lang, tulad mo, tulad niya)
Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian?
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?
(Ano ba? Ano ba?)

[Chorus: Quest, Loonie]
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? (Tulad ko)
(Mali ba na magkamali?)
Ako ay tao lang din naman na tulad mo (Tulad mo)
(Tao lang, pasensya na)
Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian?
(Ano ba? Ano ba?)
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang?

[Outro: Loonie, Quest, Both]
Pasensya na, tao lang
Pasensya na, tao lang
Kagaya mo, tao lang
Pasensya na, yeah (Tao, tao)
Pasensya na, tao lang
Pasensya na (Wala tayong pagkakaiba)
Pasensya na, sorry naman
Kung pwede lang sana isoli na lang
Pasensya na

Tao Lang Q&A

Who wrote Tao Lang's ?

Tao Lang was written by Loonie.

Who produced Tao Lang's ?

Tao Lang was produced by Klumcee.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com