[Chorus: Kat Agarrado]
Wala nang gasolina, butas pa ang gulong
Tapos ang sapatos ko'y sira na, uhaw pa at gutom
Kulang ang dalang pamasahe
Ngunit anumang mangyari, abante, abante
Tuloy, tuloy, tuloy lang ang byahe
[Verse 1: Loonie]
Akala ko dati mga pangarap ko'y hanggang doon na lang
Tadyak sa araw, sampal sa bituin, suntok sa buwan
Pero 'di ko tinigilan parang butong pakwan
Isang hakbang nilaktawan buong hagdan
Tutugmaan ko 'yan lahat kahit tungkol saan
Pupuntahan ko ang tuktok kahit saang bundok pa 'yan
Para lang marinig ng madla ang mga nabuong kantang
Pinag-alayan ko ng laway, pawis, dugo't laman
Habang naglalakad sa matrapik na kalye
May baong mabahong kahapon sa aking bagahe
Laging nagbabakasakaling may taxing bakante
Akala ko kasi malapit lang dati, maraming nagsasabing
Sa putik nanggagaling, ang mga mamahaling diyamante
Maraming panganib at mga balakid
Subalit ang aking bawat hakbang ay palaging abante
Kahit na
[Chorus: Kat Agarrado]
Wala nang gasolina, butas pa ang gulong
Tapos ang sapatos ko'y sira na, uhaw pa at gutom
Kulang ang dalang pamasahe
Ngunit anumang mangyari, abante, abante
Tuloy, tuloy, tuloy lang ang byahe
Tuloy, tuloy, tuloy, tuloy, tuloy, tuloy
Tuloy, tuloy, tuloy lang ang byahe
Tuloy, tuloy, tuloy, tuloy, tuloy, tuloy
Tuloy, tuloy, tuloy
[Verse 2: Loonie]
Mula sa Leyte, ako ay napunta sa bagong ilog
Tapos lumipat sa Bambang, Pasig, hanggang sa nalibot ko
Na ang kanluran, hilaga, silangan at ang timog
Ng Kamaynilaan at lahat ng pasikot-sikot
'Pag nasa Cebu ako, tingin sa'kin Manileño
Pero 'pag nasa Luzon, ako'y bisayang Pasigueñio
Dati ruta ko'y Mandaue, Guadalupe, Gorordo
Hanggang sa umabot sa America at Toronto
Oh, 'di ba 'di na 'Pinas 'yon, wala ng limitasyon
Kahit saan pupuntahan, basta may imbitasyon
Naglalakbay para sa inspirasyon
Kasi mas masaya pa ang byahe kesa sa mismong destinasyon
Kaya kahit anong mangyari, pare, tuloy ang byahe
Kahit na makatapak pa 'ko ng kumunoy o tae
Basta kahit pa magkanda-letse-letse o ano
Wala akong pakialam dire-diretso lang ako
Kahit
[Chorus: Kat Agarrado]
Wala nang gasolina, butas pa ang gulong
Tapos ang sapatos ko'y sira na, uhaw pa at gutom
Kulang ang dalang pamasahe
Ngunit anumang mangyari, abante, abante
Tuloy, tuloy, tuloy lang ang byahe
Tuloy, tuloy, tuloy, tuloy, tuloy, tuloy
Tuloy, tuloy, tuloy lang ang byahe
Tuloy, tuloy, tuloy, tuloy, tuloy, tuloy
Tuloy, tuloy, tuloy
[Verse 3: Loonie]
Ako ay nakisalamuha sa iba't ibang uri ng tao
Tinahak ang eskinita na puro dumi ng aso
Tinawid ang ilog na puno ng piranang gutom
Hinarap ang mga kaso sa gitna ng hukom
Panginoon, kailangan ko ng lakas na espiritwal
Jusko po nakakalula ang taas ng pedestal
Alaalang matatalim, nakatanim sa'king bungo
Mga mali ko ang pinakamagaling ko na naging guro
Ngunit sa tuwing maaabot ko na ang liwanag
Sa dulo't unti-unti nang lumilinaw ang mga malabo
Bigla-bigla namang naglalabasan ang mga nakakatakot na halimaw na nakatago
Napasarap ang tulog sa upuan ng lumang bus
Kinumutan ng bangungot at tuluyang lumampas
Kung wala kang pamasahe, matuto kang umangkas
'Di baleng lumakad ng pagapang basta't 'wag kang umatras
[Chorus: Kat Agarrado]
Wala nang gasolina, butas pa ang gulong
Tapos ang sapatos ko'y sira na, uhaw pa at gutom
Kulang ang dalang pamasahe
Ngunit anumang mangyari, abante, abante
Tuloy, tuloy, tuloy lang ang byahe
Tuloy, tuloy, tuloy, tuloy, tuloy, tuloy
Tuloy, tuloy, tuloy lang ang byahe
Tuloy, tuloy, tuloy, tuloy, tuloy, tuloy
Tuloy, tuloy, tuloy