[Intro]
Habang tumutunog ang gitara, sa'kin, makinig ka sana
Dumungaw ka sa bintana na parang isang harana
Sa awit na aking isinulat ko kagabi
'Wag sanang magmadali
At 'wag kang mag-atubili dahil
[Verse 1]
Kahit na wala akong pera
Kahit na butas aking bulsa
Kahit pa maong ko'y kupas na
At kahit na marami d'yang iba
[Refrain]
Ganito man ako (Maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (Na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa'yo (My love)
[Chorus]
Pag-ibig ko sa'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako (Maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (Na ikaw ang lagi kong dalangin)
Na umaasa hanggang ngayon
[Verse 2]
Hindi mo namang kailangan ang sagutin
Ang aking hinihiling, nais na maparating
Na 'di na muli pang dadaloy ang luha
Pupunasan nang kusa, 'di kailangang manghula
Kahit pamasahe lang ang palagi kong dala
Upang makasama ka, kapag nakikita ka
Lagi kang aalalayan, kahit ano man ang 'yong
Mga ibinubulong, malalim pa sa balon
Ito lamang ang...
[Chorus]
Pag-ibig ko sa'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako (Maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (Na ikaw ang lagi kong dalangin)
Pahingi naman ng saklolo
[Verse 2]
Kay Spider-Man o kay Batman
Kay Superman o Wolverine
Kahit 'di maintindihan
Baka sakaling pansinin
[Refrain]
Ganito lang ako (Maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (Na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa'yo (My love)
[Bridge]
(Pag-ibig) Ko sa'yo, ito'y totoo
Wala nang iba, ikaw at ako
Lang ang nasa isip at panaginip
'Pag nakikita ka, sasabihin ko'y
Nawawala, ikaw na nga
Ang dahilan kung bakit nasulat ko ang tulang
Kahit kanino ay aking maipagyayabang
Minamahal kita subalit tanggapin mo sana kahit
[Refrain]
Ganito lang ako (Maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (Na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa'yo (My love)
[Chorus]
Pag-ibig ko sa'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako (Maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (Na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa'yo
Pag-ibig ko sa'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako (Maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (Na ikaw ang lagi kong dalangin)
Na umaasa hanggang ngayon sa pag-ibig mo
[Outro]
Sa pag-ibig mo, sa pag-ibig mo
(Maniwala ka sana sa akin)
(Na ikaw ang lagi kong dalangin)
Sa pag-ibig mo (Maniwala ka sana sa akin)
(Na ikaw ang lagi kong dalangin)
Sa pag-ibig mo (Maniwala ka sana sa akin)
(Na ikaw ang lagi kong dalangin)
Sa pag-ibig mo (Maniwala ka sana sa akin)
(Na ikaw ang lagi kong dalangin)
Simpleng Tao was written by Gloc-9.
Simpleng Tao was produced by Gloc-9.
Gloc-9 released Simpleng Tao on Mon Sep 01 2003.