[Verse 1]
Bakit mo ba pinapakialaman ang
Mga ginagawa ko teka meron ka bang alam
Sa mga nangyayari sakin tila panimulan
Na walang kahumpay-humpay na kamalasan
Teka muna 'di ba mayaman ang iyong ama
Oo nga eh, bakit nagrerekalamo ka pa
Kasi unang-una hindi niya binibigay ang mga kailangan namin
'Di na malaman ng aking ina
Kung kanino nangutang, uutang, pautang ulit
Pati pangbayad namin sa ilaw ay laging gipit
Listahan sa tindahan na habang
Pinipilipit nila sa labat ay nagsialipang mga sitsiritsit
Lahat yan ay kasalanan ng ama kong magaling
Kaya kung minsan ay hindi ko maiwasang hilingin
Na mawala ng tuluyan dito sa'king paningin
Ilagay sa ataol at tuluyan nang ilibing
Anong ilibing sino na naman ang namatay
Wala pa naman pero baka sumunod si itay
Sa panaginip ko lamang naman nailalabas
Ang aking galit, tanong ay, bakit napakadulas
Ng tadhana na masagana
Mga taong hindi inaalintana
Ang tulad ko na laging nasa bintana
Hinihintay na lumuhod ang mga tala
Eh pa'no 'yan malapit nang bayaran ng tuition fee mo
Ok lang 'yan alam ko naman ang bahay ng ama ko
Teka, naku, mukhang may balak ka na masama
Ba't mo alam, kasi wala 'kong tiwala sa yong mukha
Mauuna na ako, may pupuntahan pa ako
Kita tayo sa Sabado, tatapusin ko lang ito, sige
Akala mo di ko alam kung san ka pupunta
Kahit na nauna ka sinundan pa rin kita
[Chorus]
Teka nga muna tigilan mo yan masama yan
Wala kang mapapala bitawan mo na nga yan
Simula ngayon wala nang pakialamanan
Pero masama yan, teka masama yan
Teka nga muna tigilan mo yan masama yan
Wala kang mapapala bitawan mo na nga yan
Simula ngayon wala nang pakialamanan
Pero masama yan, teka masama yan
[Verse 2]
Napakaganda nga pala ng bahay ng aking ama
Na dapat din pala sanang bahay din ng aking ina
Pero bakit sila, tinuturing nya kaming iba
Kinalimutan din ng inay 'ya ngayon ako naman ang babawi
Sa kayamanan ako namang hahati
Pero teka pano yan wala ka namang susi
Sawa na ko na palagi na lamang lugi
Wag ka maingay manuod ka ng mabuti
Pagkatapos ko maibukas ang kandado
Buti na lamang wala ata silang aso
Hoy tingnan mo kung tulog na ang mga tao
Wala na kaya pinasok ko ang
Kwarto ng aking ama na nasa opisina
Kinuha maleta na punung-puno ng pera
Pero bago yan ay meron nakitang batang may dalang magazine
Na di dapat siya ang tumitingin, sino ka
Agad ako napasigaw pero di ko nilakasan kasi baka maligaw
Ang mga gwardya ng biglang merong pumasok na isang dalaga
Akala ko walang sinabi nung una
Hindi ko alam magaling pala manipa
Teka bakit ka nagpakita
Pano yan bilisan mo sige salag
Iwanan mo na lamang kaya baka mabalibag
Yuko dapa talon ano bang masakit
Binalaan naman kita ikaw lang ang makulit
Pero malupit, kita mo naman nakatalon
Napakayabang mo talaga wag ka na lumingon
Sige ka baka dumating ang mga pulis
Madami na tayong pera ngayon, halika bilis
[Chorus]
Teka nga muna tigilan mo yan masama yan
Wala kang mapapala bitawan mo na nga yan
Simula ngayon wala nang pakialamanan
Pero masama yan, teka masama yan
Teka nga muna tigilan mo yan masama yan
Wala kang mapapala bitawan mo na nga yan
Simula ngayon wala nang pakialamanan
Pero masama yan, teka masama yan
Teka nga muna tigilan mo yan masama yan
Wala kang mapapala bitawan mo na nga yan
Simula ngayon wala nang pakialamanan
Pero masama yan, teka masama yan
Masama Yan was written by Gloc-9.
Gloc-9 released Masama Yan on Mon Sep 01 2003.