[Verse 1]
'Di tulad ng ulap na kusang lumilisan
'Di tulad ng alon sa may dalampasigan
Ang pag-ibig ko'y 'di panandalian
'Di panandalian
[Pre-Chorus]
Walang pagdududa, 'di ito silakbo
Tulad ng sulong saglit lang ay maglalaho
Oh, oh
[Chorus]
Ikaw ay simoy sa tuktok ng bundok
Ika'y kanlungan sa lahat ng gulo
Masukal man ang landas
'Di man tiyak ang wakas ay lalakbayin
Para lang samyuin ang simoy mo
[Verse 2]
'Di tulad ng bunga na kay bilis malipol
Pag-ibig ko'y binhing patuloy sumisibol
'Di 'to ilusyon, 'di tulad ng dati
'Di tulad ng dati
[Pre-Chorus]
Walang pagdududa, 'di ito silakbo
Tulad ng sulong saglit lang ay maglalaho
Oh, oh
[Chorus]
Ikaw ay simoy sa tuktok ng bundok
Ika'y kanlungan sa lahat ng gulo
Masukal man ang landas
'Di man tiyak ang wakas ay lalakbayin
Para lang samyuin ang simoy mo
[Bridge]
Anuman ang dilim
Pag-ibig sa 'yo ang aking bituin
[Chorus]
Ikaw ay simoy sa tuktok ng bundok
Ika'y kanlungan sa lahat ng gulo
Masukal man ang landas
'Di man tiyak ang wakas ay lalakbayin
Para lang samyuin ang simoy mo
Simoy was written by Thyro Alfaro.
Simoy was produced by Thyro Alfaro & Jean-Paul Verona.
Rob Deniel released Simoy on Fri Aug 15 2025.