[Intro]
Oh, mm
Mm
[Verse 1]
Una pa lang, iba na'ng dating mo talaga
Nauutal ako't 'di makasalita
Nalulula sa tayog mo
Akala lang nila'y malamig kang sadya
'Di lang nila alam puso mo ay balot sa tuwa
[Chorus]
Tinatago mo sa likod ng
Lipstick na itim, oh, ngiti mong kay dilim
Kinukubli ang gandang bumihag sa 'kin
Sa lipstick na itim, mga mata nagniningning
Na kahit itago mo'y kumikislap pa rin
Sa lipstick na itim
[Verse 2]
Hanggang ngayo'y dumadaplis ka sa isip
Maya't maya'y dinadalaw sa panaginip
Ng mga labi mong kinulayan ng
[Chorus]
Lipstick na itim, oh, ngiti mong kay dilim
Kinukubli ang gandang bumihag sa 'kin
Sa lipstick na itim, mga mata nagniningning
Na kahit itago mo'y kumikislap pa rin
[Bridge]
Habambuhay yata 'kong mabibighani
Sa mga mala-rosas mong labing
[Chorus]
Tinatago mo sa likod ng
Lipstick na itim, oh, ngiti mong kay dilim
Kinukubli ang gandang bumihag sa 'kin
Sa lipstick na itim, mga mata nagniningning
Na kahit itago mo'y kumikislap pa rin
Sa lipstick na itim
Lipstick Na Itim was written by Thyro Alfaro.
Lipstick Na Itim was produced by Thyro Alfaro.
Kyle Echarri released Lipstick Na Itim on Fri Aug 15 2025.