Loonie
Loonie & Flow G
Loonie & JRLDM
Loonie & Hev Abi
Loonie & Smugglaz (PHL)
Loonie
Loonie & Apoc the Death Architect
Loonie & JRLDM
Loonie & Donnalyn & KV (PHL)
Loonie & Apekz & Abra (PHL) & Ron Henley
Loonie & Omar Baliw & Rhyne
Loonie & KV (PHL)
[Verse 1: Loonie]
Ako ang naglatag ng hagdanan bago ka nakapanik
Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid
'Di mawawala kahit ang panahon ay magpalit
Papunta ka pa lang, pang-walo ko nang balik
Napakapait kahit magpakabait
Kadalasan kung itrato napakasakit
Pilit ginagaya't pinaplano madaig
Parang tatay ng mga inggratong magkakapatid
Nagpakamanhid sa mga tirang padaplis
Hindi rin basta nagpapadala sa dilang matamis
Pambihira ang bangis, tindigan at ng karisma
Partida 'di pa 'yan napapahiran ng langis
Beterano ang galawan, malinis kung kumitil
Mahusay kung kumilatis at marunong pumisil
Kung sasagot ka sa'kin, sa dulo dapat may sir
Hindi tayo magkapareho, matuto kang lumebel
[Chorus: Apoc the Death Architect, Loonie]
Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)
(Halik sa singsing, halik sa singsing)
[Verse 2: Apoc the Death Architect]
Ako naglatag ng daanan bago ka nakapanik
Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid
Sa ganitong kultura, 'di alam ang kalakip
Nitong mga gamu-gamo na sa apoy nagmamasid
'Di 'to paingayan ng mga kanta sa net
O paramihan ng karangalang makakamit
O pabilisan sa karera sa eksena sa halip
Patibayan 'to ng tuhod sa bundok na matarik
'Di mo nabatid, dami mong kalaban
Hindi ka babayaran, kung walang palakpakan
'Yung mga kritiko na maraming nalalaman
At 'yung mga negosyanteng gagawin kang kasangkapan
Sa butas ng karayom dadaan ang kapalaran
Paghawak sa mikropono ay simula pa lamang
'Pagkat madali mag-rap at sumampa sa tanghalan
Ngunit uubra ka ba kung usapan ay patagalan?
[Chorus: Loonie, Apoc the Death Architect]
Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)
(Halik sa singsing, halik sa singsing)
[Interlude: Loonie]
Mga ginoo at ginang
Nais ko pong magbigay pugay
Sa mga senyor at mga senyora
Na nauna sa'kin
[Verse 3: Loonie]
Simulan natin kay Francis Magalona, Andrew E, Michael V, Gloc-9, at Apoka
Urban Flow, Arbie Won, Mastaplann, BB Clan, Legit Misfitz, Ghetto Dogs Version 1
Denmark, Kulay, MC Lara, Lady D, Bass Rhyme Posse, 4 East Flava, DFT
SVC, Madd Poets, D-Coy, Pamilya D, M.O.D., Chill, Artstrong, Trilogy
Death Threat, Syke, Oblaxz, Master Shock
Mikerapphone, Konflick, El Latino, Anthill Mobb
Chinese Mafia, Down Earf, Nasty Mack
Ang sarap sana ipagsama sa isang posse track
Pasensya, 'di kumpleto, 'di ko nabanggit lahat
Sila ang mga nakatatanda kong kapatid sa rap
Salamat sa mga ambag at mga kantang tumatak
Hayaan niyong alayan ko kayo ng mga bulaklak
[Chorus: Apoc the Death Architect, Loonie]
Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Hindi tayo pantay (Halik sa singsing)
Magmano ka sabay (Halik sa singsing)
Ako ang 'yong itay (Halik sa singsing)
(Halik sa singsing, halik sa singsing)
Senyor was written by Loonie & Apoc the Death Architect.
Senyor was produced by Apoc the Death Architect.