Loonie
Loonie & Flow G
Loonie & JRLDM
Loonie & Hev Abi
Loonie & Smugglaz (PHL)
Loonie
Loonie & Apoc the Death Architect
Loonie & JRLDM
Loonie & Donnalyn & KV (PHL)
Loonie & Apekz & Abra (PHL) & Ron Henley
Loonie & Omar Baliw & Rhyne
Loonie & KV (PHL)
[Intro: KV]
May bangka ng magagaling pero tinatahak nila landas na madilim
Puro patibong para malaglag do'n sa bangin
Pero gusto ng mga pating, sobrang nakakaaning
Magpatiwakal kaya gamit sariling angkla (Angkla, angkla)
Pero ang tanong, may ikakasa pa ba? Meron pa
[Chorus: KV]
Hanggang sa huling hininga
Hanggang magtugma, ibibigay ko lahat
’Yung tao lang sa salamin, aking kalaban
'Di pwede umiling, dahil inaasahan
Bituin sisipatin kahit tapak-tapakan
May ikakasa pa ba? Meron, meron
May ikakasa pa ba? Meron, meron
'Yung tao lang sa salamin, aking kalaban
’Di pwedeng humiling, dahil inaasahan
Bituin sisipatin kahit tapak-tapakan
[Verse 1: Loonie]
Ni-record ko 'to, dalawang araw bago ma-release
Ngayon lang ako nakagawa ng gan'to kabilis
Ilang weeks nang pabalik-balik sa studio, nagmi-mix
Nami-miss ko na ang aking kids, daming gigs
Happenings, pagdiriwang at piging, napilitan magtiis
Sarili na marketing, kapatid ko budgeting
Manager ko magaling, yeah, aggregator ko bilib
Paborito ko 'tong beat, nabili ko 'to kay Jim
Tapos KV for the win at isang mahabang verse ang napili kong gawin
Kung ako, ikaw siguradong mapipikon ka rin
'Pag nabiktima ka na ng mga C-E-O sa scene
Sana naman makuha mo ang ibig kong sabihin
Sensitibong usapin at desididong ungkatin
Walang pake kahit sa kritisismo ulanin
Tatalo sa'yo kapwa Pilipino mo lang din
Daming inggit na gusto kang galitin
Daming sipsip na gusto kang gamitin
Madalas kabaliktaran ang kanilang sasabihin
Ikaw lunok na lang kung 'di wala kang kakainin
’Yung iba d’yan ikaw ay aasintahin
Aapir sa'yo, ikaw naman aapir ka rin
Maya-maya bigla ka na lang papapirmahin
Tapos sa dulo biglang ikaw pa ang babaliktarin, aba, iba rin
[Verse 2: Loonie]
Tapos marami pa ring inggit
Palaging nagngingitngit, sa galit nakatiktik
Sa bawat tweet at retweet, bwisit na bwisit, gustong manakit
’Kala mo naman talaga kayang kumalabit
Teka, akala ko ba ako ay 'di mo trip?
Pero nung ako'y na-meet, bakit panay pa-video greet
At picture-picture cheek to cheek, mas hypocrite ka pa sa Catholic
Na nag-trick or treat, you piece of shit
Sunod-sunod na kamalasan naranasan
Sabay-sabay porket alam na malakas kalaban
Pangalan ko ginagamit sa kalapastanganan
Ganyan talaga 'pag antas ay kataas-taasan
Ngunit sa kabila ng lahat ay magpapatuloy
Hindi magpapaluo’y o aasa sa abuloy
Gamitan tamo ninyo ug tiradang pangmarukoy
Sasalubong sa alon pеro sasabay sa ugoy
Panghihinaan ngunit 'di masisiraan ng loob
Kahit maraming maingay na nanghihila palubog
Tandaan na mas matulin ang liwanag sa tunog
Kaya ligtas ka sa kidlat 'pag narinig mo ang kulog
[Outro: Loonie]
Malabo mang marating, ganado kong gagawin
Mas gusto ko pang maging, mas mahusay pa sa dating
Ako na akala ko ay masyado ng magaling
Tanging tatalo sa'kin ay 'yung tao sa salamin
'Di ako babasagin, lalong papalakasin
Ng isip, puso, kaluluwa, at katawan na rin
"Meron Na" album ko sa Spotify, handa na ma-stream
Kung tanong mo, "Meron pa?", marami pang paparating
Meron Pa was produced by KV (PHL) & Jim Poblete & Ryan Pineda & RJ Pineda.