Pusong Bulalakaw by Joey Ayala
Pusong Bulalakaw by Joey Ayala

Pusong Bulalakaw

Joey Ayala * Track #3 On 16 Love Songs

Pusong Bulalakaw Lyrics

[Verse 1]
Pusong bulalakaw
Gumuhit sa dilim
Sabay tayong kumapit
Walang kinikimkim
Liwanag mo’t liwanag ko’y
Biglang naging isa
Nang pusong bulalakaw
Ay nagpakita

[Verse 2]
Tahimik ang pagitan
Sa unang pagtagpo
‘Di mabigkas
Ang laman ng puso
Damdamin mo’t damdamin ko’y
Biglang naliwanagan
Nang pusong bulalakaw
Ay namagitan

[Verse 3]
Tayo ay katulad niyang
Punla ng langit
Punla sa kalawakan
Ng lupa
Sisibol, sisibol ba
Binhing inihasik
Bituing itinanim
Ng bituin

[Instrumental Break]

[Verse 3]
Tayo ay katulad niyang
Punla ng langit
Punla sa kalawakan
Ng lupa
Sumibol, sumibol ka
Binhing inihasik
Bituing itinanim
Ng bituin

[Verse 4]
Pusong bulalakaw
Sa ati’y nagbigkis
Tindi ng pagnanasa
Ay ‘di na matiis
Ang init mo’t ang init ko’y
Humanap ng daan
At pusong bulalakaw
Ay isinilang

Pusong Bulalakaw Q&A

Who wrote Pusong Bulalakaw's ?

Pusong Bulalakaw was written by Joey Ayala.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com