Pison (Live) by Gloc-9 (Ft. Chito Miranda)
Pison (Live) by Gloc-9 (Ft. Chito Miranda)

Pison (Live)

Gloc-9 & Chito Miranda * Track #4 On Biyahe ng Pangarap

Pison (Live) Lyrics

[Band]
Malakas! Bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Malakas! Bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Malakas!

[Chorus: Chito Miranda,band]
Kahit ano mang mangyari, aking aabutin
Mga tanong na sinabi, aking sasagutin
Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin
Kaya't ’wag kang haharang sa daraanan ng pison
Ibang klaseng tunog 'pag dumating sa tugtugan
Daraanan ng pison
At umpugan hindi kayo magtutulog-tulugan
Daraanan ng pison
Narinig na'ng bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Daraanan ng pison
’Pag ika'y sami'y sumasang-ayon ay pumalakpak
Daraanan ng pison
Malakas

[Verse 1: Gloc 9]
Matagal-tagal na rin akong hindi gumamit ng ganitong pamamaraan
Sa pagbigkas ng mga salitang nagbabaga
Samantala para bang andami ang nag-uunahan
Sino ba talagang pinakamabilis?
Hindi naman mahalaga
Tunay na tanong ay kung ga'no ka kagutom
Mahawakan ang pangarap
Mayakap malawak ang balak itarak ang itak
Puso kong dumadagundong
Kahit na anong mangyari, kailangang madali
Madami mang beses na madapa, pagpagin ang alikabok
Lasang parang mapait, pilitin mo lang malunok
Dahil ang kinabukasan mo di pwedeng mabulok
Sige lang itulak mo ang kariton
Kung di abot ikaw ay tumalon
Pagkakataon na sitahin kahit nakalingon
Pawis na tumulo 'pag inipon mo galon-galon
Sa buhay na mapagbiro di pwede dito ang pikon
Habulan sa tadhana pumikit lang ang pahinga
Isaulo bawat letra, tandaan mo ang pahina
O pahina', kumain na kayo nakahain na
Pagmamahal na kailanma'y tinuro sa aking ina
Kahit na kung minsan ay nagkakalatay kay tatay
Ang kanyang mga payo ang sa akin ay siyang umakay
Di makinis ang daan anak kailangan mong masanay
Tandaan mo na hindi pwedeng madaliin ang palay
Tyagain mo lang

[Chorus: Chito Miranda,band]
Kahit ano mang mangyari, aking aabutin
Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin
Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin
Kaya't ’wag kang haharang sa daraanan ng pison
Ibang klaseng tunog ’pag dumating sa tugtugan
Daraanan ng pison
At umpugan hindi kayo magtutulog-tulugan
Daraanan ng pison
Narinig na'ng bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Daraanan ng pison
Kung ika’y sami'y sumasang-ayon ay pumalakpak
Daraanan ng pison
Malakas

[Verse 2: Gloc 9]
'Di mo kailangang pakinggan ang sinasabi ng mga ayaw maniwala
Kahit medyo pawisan diretso lang parang kalan at paliyabin natin ang baga
Ng mga pinapangarap mo dapat tibayan dahil natural lang ang mabahala
Malubog sa putikan yapak ka lang
Sagad mo lang kahit na ga'no kadambuhala
Ang katunggali, sandali nga, hindi pa ’ko tapos
Itupi ang tuhod kung dahilan sa kumot ay kapos
Paa'y hindi sumasakit, talampakan na pinaltos
Pati pato at panabla, sige! Ubos na kung ubos
Kahit madalas nakatawa, pare hindi ito landian
Sa dami ng kalaban, 'di maiwasan ang sanggian
Bigay-todo palagi, kaya malamang na mabalian
Sa laro na bilang mo lang ang tunay mong kaibigan
Hindi katulad ng bitak-bitak na mga palad
Tipak-tipak na sugat sa tubig ay nakababad
Mamasa-masa kaya hirap pagalingin kaagad
Agad tumatayo tuloy-tuloy pa rin ang lakad
Walang kapaguran, ikaw ay magpabalik-balik
Daanan mo ng daanan hanggang sa'yong madagit
Kahit ika'y pagdudahan ng kaibigang matalik
'Wag mawalan ng pag-asa, pare tuloy pa rin si magic!

[Chorus: Chito Miranda, band & Gloc-9]
Kahit ano mang mangyari, aking aabutin
Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin
Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin
Kaya't 'wag kang haharang sa daraanan ng pison
Ibang klaseng tunog 'pag dumating sa tugtugan
Daraanan ng pison
At umpugan hindi kayo magtutulog-tulugan
Daraanan ng pison
Narinig na'ng bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Daraanan ng pison
Kung ika'y sami'y sumasang-ayon ay pumalakpak
Daraanan ng pison
Ng malakas!

[Band]
Bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Malakas! Bagong gawa ni Chito at ni Gloc

Pison (Live) Q&A

Who wrote Pison (Live)'s ?

Pison (Live) was written by Gloc-9.

When did Gloc-9 release Pison (Live)?

Gloc-9 released Pison (Live) on Sun Nov 09 2014.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com