Gloc-9
Gloc-9
Gloc-9 & Marc Abaya
Gloc-9 & Chito Miranda
Gloc-9 & Chito Miranda
Gloc-9 & Sly Kane & LIRAH
Gloc-9 & Denise Barbacena
Gloc-9 & Ebe Dancel
Gloc-9 & Rico Blanco
Gloc-9 & Cookie Chua & Ryan Cayabyab
Gloc-9 & Maychelle Baay
Gloc-9 & Johnoy Danao
Gloc-9 & Tippy Dos Santos
Gloc-9 & Vinci Montaner
That's right
[Hook: Sly Kane, LIRAH]
Dahan-dahan lang at baka sa paglakad mo, pinto’y malampasan
Hinay-hinay lang at makakarating ka rin sa'yong papupuntahan
Dahil ang nagmamadali ay ang s'yang laging nagkakamali
Dinaanan ko na'ng lahat ito kaya’t ang payo ko sa'yo
Huminahon ka
[Verse 1: Gloc-9]
Hoy, pakiulit nga? Kilala mo ba 'yan?
Katatapos lang ang palaging tanong ay pang-ilan
Simula pa lamang 'to, huwag kang malilito
Ito ang kauna-unahang kanta ko sa pangpito
Ano bang sabi ko? Nakinig ka ba dati?
Parang gamot na 'di ininom kapag may bulate
Panigurado 'to na para bang umatake
Ang nabubulok na sikmura, kailangan mong tumae
Mawalang galang na at pasintabi po
Magkaprangkahan na sa mga baliko
Ilang beses ko bang uulitin?
Pilitin, huwag mong pigilin, aminin ang mabaho kahit pa ligo
Tila hindi pa rin naiintindihan
Kung ano'ng kaya kong gawin at ano'ng dahilan
May mga araw ding napag-iiwanan
Dahil ako 'pag tinabi sa inyo ay walang kaibahan
[Hook: Sly Kane, LIRAH]
Dahan-dahan lang at baka sa paglakad mo, pinto’y malampasan
Hinay-hinay lang at makakarating ka rin sa'yong papupuntahan
Dahil ang nagmamadali ay ang s'yang laging nagkakamali
Dinaanan ko na'ng lahat ito kaya’t ang payo ko sa'yo
Huminahon ka
[Verse 2: Gloc-9]
Ako’y isang ama tulad din ng iba
Nagtatrabaho at ang dahilan lang ay isa
Ang mapakain ang aking mga supling
Umaga, tanghalian, hapunan, pagsapit ng dilim
Gamit ang tintang itim, asul man o pula
O lapis na wala pang naimbentong pambura
Huwag kang mayabang sa daanan, huwag humarang
"Dapat marunong gumalang," payo sa’kin ng aking ama
Pati ng aking ina, inukit sa kukote
Piningot sa tenga na parang pamihit na liyabeng
Yari sa aserong tulad ng baryang pamasahe
Kapag kinulang ay maglalakad na lang sa kalye
'Di lahat ng bagay ay parang laruan
Na 'pag ika’y naglupagi sa sahig, agad kang pagbibigyan
Ang tatanda ka rin ay may kaibahan
Sa magtatanda ka rin kaya palaging tandaan
[Hook: Sly Kane, LIRAH]
Dahan-dahan lang at baka sa paglakad mo, pinto’y malampasan
Hinay-hinay lang at makakarating ka rin sa'yong papupuntahan
Dahil ang nagmamadali ay ang s'yang laging nagkakamali
Dinaanan ko na'ng lahat ito kaya’t ang payo ko sa'yo
Huminahon ka
Dahan-dahan lang at baka sa paglakad mo, pinto’y malampasan
Hinay-hinay lang at makakarating ka rin sa'yong papupuntahan
Dahil ang nagmamadali ay ang s'yang laging nagkakamali
Dinaanan ko na'ng lahat ito kaya’t ang payo ko sa'yo
Huminahon ka
[Outro: Sly Kane, LIRAH]
Hingang malalim
Hingang malalim
Hingang malalim
Huminahon ka
Oohhh
Huminahon Ka (Live) was written by Gloc-9.
Gloc-9 released Huminahon Ka (Live) on Sun Nov 09 2014.