[Verse 1]
Tuwing kita'y nakikita
Dugo ko'y kumukulo
Parang tiyan na nasira
Sa kakakain ng sugpo
[Verse 2]
Ano ba naman ang sikreto mo
Kay tapang mong pumanhik sa bahay ko?
Ano bang gayuma ang gamit mo (Ang gamit mo)
At in love sa 'yo ang anak ko?
[Bridge]
'Di na makatulog
'Di pa makakain ('Di pa makakain)
Kulubot sa noo
Pati na sa pisngi
Sa kaiisip sa 'yo
Kulubot ko'y dumadami
[Verse 3]
Tuwing kita'y nakikita
Dugo ko'y kumukulo
Tuwing dalaw sa anak ko
Presyon ko'y 'di masugpo
[Outro]
Kailan ba kita mababatukan?
Sana'y malapit na
Malapit na
Pers Lab (Bersyon Ni Erpat) was written by Mon Torralba & Dennis Garcia.