[Verse 1]
Pag-ibig na sago sa gulaman
Bagoong sa mangga
Magkabagay silang talaga
Tulad natin, hindi ba?
[Verse 2]
Pag-ibig ni Pepe kay Pilar
Ni Adan kay Eba
Magkabagay silang talaga
Tulad natin, hindi ba?
[Chorus]
Pag-ibig na langgam sa asukal
Ganyan ang pag-ibig ko
Kahit ilang kilometro ang lakarin ko
Tamis mo ang hanap ko
[Instrumental Break]
[Chorus]
Pag-ibig na langgam sa asukal
Ganyan ang pag-ibig ko
Kahit ilang kilometro ang lakarin ko
Tamis mo ang hanap ko
[Outro]
Buhay at puso ko'y para sa 'yo
Ganyan ang pag-ibig ko
Ganyan Ang Pag-Ibig Ko was written by Mon Torralba.