Sang araw tayo’y namasyal, upang pagod natin matanggal
Kailangan nating maaliw bago tayo tuliyang mabaliw
Nagawi tayo sa may dagat, at sa ating pagmamasid
Biglang may batang sumisid at tayo’y nabigla
Dahil buong akala, malalim ang dagat
Mababaw lang pala
[Chorus:]
Hanggang napagod tayong umikot
Kung saan saan na rin pala tayo umabot
Ang gusto lang natin malaman
Meron pa ba tayong ibang mapupuntahan?
Nagawi tayo sa isang tabi, may aleng naglalako ng
Cotton candy
Sarap titigan, sarap kainin, pero pag kinagatan
Parang wala palang laman…
[Repeat Chorus:]
Naakit at napabili tayo ng lobo
At di sinasadyang nabitawan. Di man lang natin
Hinabol. Hinayaang lumipad, hanggang mawala
Hanggang makalimutan na natin
Kung bakit nga ba tayo naakit…
Hanggang napagod tayong umikot
Kung saan saan na rin pala tao umabot
At huli na nang ating malaman
Wala na pala tayong ibang mapupuntahan
Hanggang ditto na lang…
Isang araw tao’y namasyal
Upang pagod natin matanggal
Pasyal was written by Ebe Dancel.