[Verse 1]
Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
'Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang
[Verse 2]
Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat ng kailangan mong malaman
Buhay ay 'di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan
Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam
Makinig ka na lang, makinig ka na lang
[Chorus]
Ganyan talaga ang buhay, lagi kang nasasabihan
'Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman
Makinig ka sa 'king payo, 'pagkat musmos ka lamang
At malaman nang maaga ang wasto sa kamalian
[Verse 3]
Batang-bata ako, nalalaman ko 'to
Inamin ko rin na kulang ang aking nalalaman
At nauunawaan
Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan
Alam ko na may karapatan ang bawat nilalang
Kahit bata pa man, kahit bata pa man
[Chorus]
Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan
Sariling pagraranas ang aking pamamagitan
Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay
Maging tunay na malaya sa katangi-tanging bata
[Post-Chorus]
Ha, ha, ha, ha, ha, ha
Ah, ha, ha, ha, ha, ha, ha, ha
Ah, ha, ha, ha, ha, ha, oh, oh
Ah, ha, ha, ha, oh, oh, oh, oh
[Verse 4]
Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
(Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan)
Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat ng kailangan mong malaman
(Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan)
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang
(Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan)
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang
(Sariling pagraranas)
[Bridge]
Batang-bata ka pa
Batang-bata ka pa
Batang-bata ka pa
Batang-bata ka pa
Batang-bata ka pa
Batang-bata ka pa
Batang-bata ka pa
Batang-bata ka pa
[Outro]
Batang-bata ka pa (La-la-la, la-la-la-la)
Batang-bata ka pa (La-la-la, la-la-la-la)
Batang-bata ka pa (La-la-la, la-la-la-la)
Batang-bata ka pa (La-la-la, la-la-la-la)
Batang-bata ka pa
Batang-Bata Ka Pa was written by Jim Paredes.