Para sa Pangarap by Hannah Precillas
Para sa Pangarap by Hannah Precillas

Para sa Pangarap

Hannah Precillas * Track #5 On Lolong (Original Soundtrack)

Para sa Pangarap Lyrics

[Verse 1]
Kalimutan man ng langit
Mga dalangin kong nananawagan
Magpapatuloy, hindi man makamit
Ang puso kong ito'y handang lumaban

[Pre-Chorus 1]
'Di papatalo, 'di patitinag
Mag-aaral sumubok at humila
Sasayaw sabay sa tadhana hanggang tumama

[Chorus]
Para sa pangarap
'Di man agad makakamtan, ang hirap ay lalampasan
Baon ay pag-asa
'Pagkat mithi nitong pangarap
Ay ang pagsibol ng buhay at pagsinta

[Interlude]
Ooh-oh-ooh, oh-oh-ooh

[Verse 2]
Pipiliing marinig
Payak man ang tinig ng kabutihan sa daigdig
Kayang-kayang madaig ang liwanag
Gaano man kalalim na dilim

[Pre-Chorus 2]
'Di matatakot, 'di aatras
Kung delikado'y kalmado lang
Lalangoy, sabay sa agos hanggang matapos

[Chorus]
Para sa pangarap
'Di man agad makakamtan, ang hirap ay lalampasan
Baon ay pag-asa
'Pagkat mithi nitong pangarap
Ay ang pagsibol ng buhay at pagsinta

[Bridge]
Kahit hanggang pangarap lang
Hindi ito masasayang
Sa 'king pagsulong ay lalong lumalakas
Ooh

[Chorus]
Para sa pangarap
'Di man agad makakamtan, ang hirap ay lalampasan
Baon ay pag-asa
'Pagkat mithi nitong pangarap
Ay ang pagsibol ng buhay at pagsinta

[Outro]
Ooh-oh-ooh

Para sa Pangarap Q&A

Who wrote Para sa Pangarap's ?

Para sa Pangarap was written by Ann Figueroa.

Who produced Para sa Pangarap's ?

Para sa Pangarap was produced by Rocky Gacho.

When did Hannah Precillas release Para sa Pangarap?

Hannah Precillas released Para sa Pangarap on Thu Sep 29 2022.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com