Isang Tinginan by Ruru Madrid
Isang Tinginan by Ruru Madrid

Isang Tinginan

Ruru Madrid * Track #4 On Lolong (Original Soundtrack)

Isang Tinginan Lyrics

[Verse 1]
'Di naman natin maiwasan na tayo ay magkainisan
Ito'y natural lamang sa magkaibigan
'Di natin binibilang, ilang beses mang magkasakitan
Ito'y lilipas na lang at makakalimutan

[Pre-Chorus 1]
Ang mahalaga naman ay pagtanggap at pag-unawa
At walang katapusang pagpapatawad

[Chorus]
Ang tunay na magkaibigan, nagkakaintindihan
Sa isang tinginan, sa isang tinginan
Matatawa o maiiyak ka na lang bigla
Pero kayo lang ang nakakaalam ng istorya
Na hindi na mabubura magpakailanpaman
Nakatatak sa hangin ang iba't ibang alaala
Alaala

[Verse2]
Wala sigurong hihigit pa
'Di na ito matutumbasan ng kahit sino man, sa buhay ko'y ikaw lamang
'Di ko kayang ako lang mag-isa, sana ay palaging kasama ka
Maiba man ang panahon, lumipas man ang maraming taon

[Pe-Chorus 2]
Sa tuwing lubog sa putik, ikaw ang kamay na humihila
Nagsisilbing lakas kapag ako ay nanghina

[Chorus]
Ang tunay na magkaibigan nagkakaintindihan
Sa isang tinginan, sa isang tinginan
Matatawa o maiiyak ka na lang bigla
Pero kayo lang ang nakakaalam ng istorya
Na hindi na mabubura magpakailanpaman
Nakatatak sa hangin ang iba't ibang alaala
Alaala

[Outro]
Alaala, alaala

Isang Tinginan Q&A

Who wrote Isang Tinginan's ?

Isang Tinginan was written by Simon Tan.

Who produced Isang Tinginan's ?

Isang Tinginan was produced by Rocky Gacho.

When did Ruru Madrid release Isang Tinginan?

Ruru Madrid released Isang Tinginan on Thu Sep 29 2022.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com