[Intro: Lirah Bermudez, Gloc 9]
Tanggapin ang hamon (Buhay mo man ang s'yang nakataya)
Lumaban at bumangon (Walang abot kapag nakahiga)
Sumalungat sa alon
Kahit panulat lang ang baon
[Verse 1: Gloc 9]
Mga letra sa papel na isinulat
Aking mga saloobin na binubuhat
Habang lumusong sa kumunoy
At maiahon ang bayan na darang sa apoy
[Verse 2: Gloc 9]
Aking ina, kumusta ka na?
Sa aki'y wag ka mag-alala
Kahit ako'y nawalay sa'yo
Ang nais ko ay malaman mo na
Salamat dahil ikaw ang kauna-unahan kong guro
Sa napakaraming bagay na inyong itinuro
Sa aking at sa lahat ng aking mga kapatid
Kahit madilim ang gabi ay kandila sa silid
Tagadala ng liwanag pag ako'y nagbabasa
Nais ko lamang ay masagip ang iyong mga mata
Nalaman kong karunungan ay 'di dapat duwag
Nang mapatunayan kong minsan ang katarunga'y bulag
Kahit gaano kalupit ang sa iba'y ating sinapit
'Pag may galit at pait sa pagmamahal ka kumapit
'Yan ang sabi mo sa akin nang isip ay ibinukas
'Di kailangang gumamit ng dahas upang maka-alpas
[Verse 4: Gloc 9]
Mga nakagawian ng mga naatasang mamuno
Tuyo na ang bukal, konti na lang ang tumutulo
Sa 'yong mga problema ang sinasagot ay biro
Hindi sumusunod kahit ikaw ay makisuyo
Palubog nang palubog na parang kumunoy
Tanso sa ginto'y di lubog, peke ang amoy
Parang mga nagaalok ng tulong ngunit sakim-sakim
Na ang kapangyarihan na pilit inaangkin
Ang buhay kong binuwis, kasama pa ng iba
Handa kong ialay muli basta makita lang kita
Na malaya't masaya, lupa kong sinilangan
Sana'y hindi magsawala ang aking ipinaglaban
[Verse 5: Lirah Bermudez]
Kulay kayumanggi man ang aking binhi
Hindi magkukubli, ipaglalaban ang lahi
Pag-ibig na taglay,aking isinabuhay
Abutin ang tagumpay kahit pa hanggang hukay
[Verse 6: Lirah Bermudez]
Ang kalayaan mo at kalayaan ko
Ang kayamanan nitong bayan ko
Ang kalayaan mo at kalayaan ko
Ang kayamanan nitong bayan ko
[Outro: Lirah Bermudez, Gloc 9]
Tanggapin ang hamon (Buhay mo man ang s'yang nakataya)
Lumaban at bumangon (Walang abot kapag nakahiga)
Sumalungat sa alon
Kahit panulat lang ang baon
Para sa Bayan was written by Gloc-9.