[Verse 1]
Bakit ikaw ang laging hanap ko?
Minsan kang nakita ay nabighani sa 'yo
Ang iyong ganda'y lagi sa isip ko
Pag-ibig na nadarama ay para lang sa 'yo
[Chorus]
Sana'y ikaw na ang aking pag-ibig
Ikaw na sa bawat saglit
At lagi ay kapiling ko kahit sa panaginip
Pag-ibig na inaalay sa 'yo
Sana nama'y pagbigyan mo
'Pagkat ika'y nag-iisa dito sa puso ko
[Verse 2]
Araw-gabi, naiisip kita
Palagi kang naroroon dahil mahal kita
Ang 'yong ngiti hanap ko sa tuwina
Maari bang ikaw na ang aking makasama?
[Chorus]
Sana'y ikaw na ang aking pag-ibig
Ikaw na sa bawat saglit
At lagi ay kapiling ko kahit sa panaginip
Pag-ibig na inaalay sa 'yo
Sana nama'y pagbigyan mo
'Pagkat ika'y nag-iisa dito sa puso ko
[Interlude]
Oh-woah
[Chorus]
Sana'y ikaw na ang aking pag-ibig
Ikaw na sa bawat saglit
At lagi ay kapiling ko kahit sa panaginip
Pag-ibig na inaalay sa 'yo
Sana naman pagbigyan mo
'Pagkat ika'y nag-iisa dito sa puso ko
Sana’y Ikaw was written by Vehnee Saturno.
James Wright (PHL) released Sana’y Ikaw on Thu Apr 10 2014.