[Verse 1]
Isang batang nagmula sa lungsod ng pag-ibig
Pero lumaki na 'di marunong umakit at magalit
Kakaiba magsalita, tono parang kumakanta
Kaya siguro ay nahilig umawit at mag-rap
'Di man kasing galing ni Francis M, Gloc at Abra
Pero kung 'di ngayon, sisimulan, sabihin mo, "Kelan pa?"
Kasi kung may pangarap dapat ay hindi ka matakot
Laksan mo ang yong loob para ito ay maabot
Kahit sabihin man nila na 'di mo kaya
[Pre-Chorus]
'Wag maniwala dahil 'di sila gagawa ng iyong tadhana
′Wag kang matakot, 'wag yuyuko dahil kaya mo
Ang buhay na ito ay nasa mga kamay mo
Kung meron kang pangarap, lakasan ang loob
Oo, minsan ay mabibigo pero 'wag hihinto
Kasi sa bilyon-bilyong tao sa mundong ito
Nag-iisa ka lang, walang katulad mo
[Chorus]
Ito na ang panahon
Meron kang pagkakataon
Sabay harapin ang mga hamon
Oras mo ay ngayon
'Wag matakot mangarap
Kahit minsan ay mahirap
Sabay harapin ang mga hamon
Oras mo ay ngayon, ngayon, ngayon
Ngayon, ngayon, ngayon
Ngayon, ngayon, ngayon
[Verse 2]
Sabi nila sa akin mag-revive na lang daw ng kanta
Kasi kung gusto mo sumikat, 'yun naman ginagawa
'Di ko kailangan ang makilala, nais ko lang sumulat
At Iparinig ang mga awit ng puso sa inyong lahat
[Pre-Chorus]
'Wag maniwala dahil 'di sila gagawa ng iyong tadhana
′Wag kang matakot, 'wag yuyuko dahil kaya mo
Ang buhay na ito ay nasa mga kamay mo
Kung meron kang pangarap, lakasan ang loob
Oo, minsan ay mabibigo pero 'wag hihinto
Kasi sa bilyon-bilyong tao sa mundong ito
Nag-iisa ka lang, walang katulad mo
[Chorus]
Ito na ang panahon
Meron kang pagkakataon
Sabay harapin ang mga hamon
Oras mo ay ngayon
'Wag matakot mangarap
Kahit minsan ay mahirap
Sabay harapin ang mga hamon
Oras mo ay ngayon, ngayon, ngayon
Ngayon, ngayon, ngayon
Ngayon, ngayon, ngayon
[Outro]
Ngayon, ngayon, ngayon
Ngayon, ngayon, ngayon
Ngayon, ngayon, ngayon
Ngayon was written by Jonathan Ong & Myrtle Sarrosa.
Myrtle Sarrosa released Ngayon on Fri Jul 15 2016.