Nasaan Ka Na? by Myrtle Sarrosa
Nasaan Ka Na? by Myrtle Sarrosa

Nasaan Ka Na?

Myrtle Sarrosa * Track #6 On Now Playing - Myrtle

Nasaan Ka Na? Lyrics

[Chorus]
Sana ay malaman mo
Kung saan ka mang mundo manggagaling
Maghihintay pa rin sa'yo
Kathang isip lang ba sa atin tinakda ng tadhana?
Nas'an ka na kaya?

[Verse 1]
Ilang araw, ilang buwan, ilang taon ang nagdaan
Bitbit pa rin ang liham na walang dahilan
Isang liham na nagtataglay ng nilalaman
Ng puso, isipan, damdamin, kung ano man
Subalit mayroong problema, tila 'di tutugma
Ang balak kong gawin mukhang 'di magagawa
Walang pangalan o address at 'di malaman ang petsa
Nayayamot, nagmamaktol, walang bang pag-asa
Ngunit ang puso'y may bulong na aking hinahawakan
Na sana marinig sa buong pangkalawakan
Ang panalangin na punong-puno ng lumbay
Isang pag-ibig na nilalaang wala pang saysay

[Pre-Chorus]
Nakikita pero walang mukha
Naririnig kahit 'di magsalita

[Chorus]
Sana ay malaman mo
Kung saan ka mang mundo manggagaling
Maghihintay pa rin sa'yo
Kathang isip lang ba sa atin tinakda ng tadhana?
Nas'an ka na kaya?

[Verse 2]
Buong buhay na naghihintay ika'y magpahiwatig
Bigyan ng kasagutan ang pusong humihiling
Ng pagkakataon na sana magtagpo ang landas
Gagawin ang lahat pero ano bang katumbas?
Kung iniisip mo ako'y hindi nagbubuwis ng oras
Bawat hirap dinadanas sa mukha ko ay bakas
Patnubayan, alalayan sana magbigay ng lunas
Meron ba tayong bukas o ito ang wakas?

[Pre-Chorus]
Nakikita pero walang mukha
Naririnig kahit 'di magsalita

[Chorus]
Sana ay malaman mo
Kung saan ka mang mundo manggagaling
Maghihintay pa rin sa'yo
Kathang isip lang ba sa atin tinakda ng tadhana?
Nas'an ka na kaya?
Sana ay malaman mo
Kung saan ka mang mundo manggagaling
Maghihintay pa rin sa'yo (Kung saan ka mang mundo)
Kathang isip lang ba sa atin tinakda ng tadhana?
Nas'an ka na kaya?

Nasaan Ka Na? Q&A

Who wrote Nasaan Ka Na?'s ?

Nasaan Ka Na? was written by Jonathan Ong & Myrtle Sarrosa.

When did Myrtle Sarrosa release Nasaan Ka Na??

Myrtle Sarrosa released Nasaan Ka Na? on Mon Jun 20 2016.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com