[Verse 1]
Puso'y tuliro, nalilito
Ngayong wala ka na, nag-iisa
Sayang, nanghihinayang
Bakit 'di naging sapat?
At dito na natapos ang lahat
[Verse 2]
Puso'y nagtatanong, napa'no na?
Naaalala ba o nalimutan na?
Sayang, nanghihinayang
Bakit 'di naging tapat?
At dito mo tinapos ang lahat
[Chorus]
Masasagot pa ba o hahayaan na
May pag-asa ba ngayong iniwan na?
Kay sakit, kay pait
Pero 'di na ipipilit
Mahal kita, ngunit wala ka na
[Instrumental Break]
[Pre-Chorus]
Sayang, nanghihinayang
Bakit 'di naging sapat?
At dito na natapos ang lahat
[Chorus]
Masasagot pa ba o hahayaan na
May pag-asa ba ngayong iniwan na?
Kay sakit, kay pait
Pero 'di na ipipilit
Mahal kita, kahit wala ka na
[Verse 3]
Puso'y nagtataka, kulang pa ba?
Pinadama mo ba o balewala?
Kay sakit, kay pait
Pero 'di na ipipilit
Mahal kita, paalam na
Natapos Ang Lahat was written by Liza Diño.
Natapos Ang Lahat was produced by Ice Seguerra & Liza Diño & Jonathan Manalo & Mike Villegas.
Ice Seguerra released Natapos Ang Lahat on Fri Aug 08 2025.