[Verse 1]
Saan ba nagtago pag-ibig na 'di ko mahanap?
'Di dapat mahulog ang puso kong muntikan nang masaktan
Ang hirap pigilan kung tibok ng puso ang susundan
Bakit ba naguguluhan?
Pag-ibig ba sadyang ganyan?
Handa na 'kong masaktan kung kinakailangan
[Chorus]
Ang pag-ibig daw hindi laging tag-araw
Nakakainip mag-abang sa tadhana
Saan ba matatagpuan?
Ayoko ng taguan
Baka sakali lang
Magpakita ka na
[Verse 1]
Kailan ba tatama ang pana ng pag-ibig na nakalaan?
Sabihin sa akin kung ga'no katagal mag-aantay sa iyo
Bakit ba nangangamba?
Pag-ibig ba sadyang ganyan?
Handa na 'kong masaktan kung kinakailangan
[Chorus]
Ang pag-ibig daw hindi laging tag-araw
Nakakainip mag-abang sa tadhana
Saan ba matatagpuan?
Ayoko ng taguan
Baka sakali lang
Magpakita ka na
[Bridge]
Magpakita ka na
Sige na, 'wag ka nang maglaro
Sang-ayon na ang panahon, wag mong palipasin
'Wag itapon, 'wag mong pigilan
'Wag mong sayangin, 'wag mong pakawalan
Magpakita ka na
[Chorus]
Ang pag-ibig daw hindi laging tag-araw
Nakakainip mag-abang sa tadhana
Saan ba matatagpuan?
Ayoko ng taguan
Baka sakali lang
Baka sakali lang
Magpakita ka na
[Outro]
Magpakita ka na, magpakita
Magpakita ka na, magpakita
Magpakita ka na
Magpakita Ka Na was written by Miguel Mendoza III.
Magpakita Ka Na was produced by Jonathan Manalo.
Zephanie released Magpakita Ka Na on Fri Jan 07 2022.