[Verse 1]
Ito na'ng gabing hinihintay
Mga tagahanga ko'y nagdatingang lahat
Nanabik kong marinig inyong palakpak
Mayroong kaba sa 'king dibdib
Pinapawisan pa ng tila malagkit
Ito ang dinaranas ko sa tuwing palabas
[Chorus]
Magandang gabi sa inyong lahat
Ako'y nagagalak
At kayo'y nagsidalo sa gabi ng palabas ko
Magandang gabi sa inyong lahat
Ako'y nagagalak
At tayo'y nagkaniig, kahit konting sandali
[Verse 2]
Sa harap ninyo ay walang lungkot
Suliranin ko'y bigla ring nalilimot
Ngiti ninyo'y mabisa nang gamot
Sa indak nitong musikang inaalay
Nararamdaman ko pintig ng inyong buhay
Bumibilis, nag-iibang kulay
[Chorus]
Magandang gabi sa inyong lahat
Ako'y nagagalak
At kayo'y nagsidalo sa gabi ng palabas ko
Magandang gabi sa inyong lahat
Ako'y nagagalak
At tayo'y nagkaniig, kahit konting sandali
[Bridge]
'Pag nagdilim na ang ilaw
Hinahanap pa rin kayo
Kung 'di dahil sa inyong lahat
Ako'y wala rito
[Verse 3]
Ito nga ang gabing hinihintay
Sana'y 'di magwakas, sandaling nagniningning
Alay sa lahat ng dumating
[Outro]
Magandang gabi, maraming salamat
Sa inyong lahat, hanggang sa muling pagsasama
Magandang Gabi was written by Willy Cruz.