[Verse 1]
Kumusta ka? Ikaw ay walang pinag-iba
Ganyan ka rin nang tayo ay huling magkita
Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayo
Tinitingnan kita hanggang wala ka na
[Verse 2]
Kumusta ka? May ibang kislap ang 'yong mata
Halata na ang daigdig mo ngayon ay kay saya
Siguro ay nagmamahal ka na nang totoo
Siya ba'y katulad ko no'ng tayong dalawa?
[Chorus]
O, kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka, mayakap, at muli pang mahagkan
Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal
Walang masabi kundi "Kumusta ka?"
[Bridge]
Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayo
Tinitingnan kita hanggang wala ka na
[Verse 3]
Kumusta ka? Ano ba'ng dapat sabihin pa?
Dibdib ko'y malakas na namang kumakaba
Dapat kayang malaman mong hindi nagbabago
Hanggang ngayon, sinta, mahal pa rin kita (Mahal kita)
[Chorus]
O, kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka, mayakap, at muli pang mahagkan
Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal
Walang masabi kundi "Kumusta ka?" (Kumusta ka?)
O, kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan
Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal
Walang masabi kundi "Kumusta ka?" (Kumusta ka?)
[Outro]
Kumusta ka? 'Di ka ba sa akin natatawa?
Walang masabi kundi "Kumusta ka?"
Kumusta ka was written by Baby Gil & Willy Cruz.