Limang kanta lang ang siyang pangtapat
Ang siyang panggabay, at ang pamagat
Ng awiting ito na aking isinulat
Upang ang mga batang makata'y aking mamulat
Limang kanta lang ang siyang pangtapat
Ang siyang panggabay, at ang pamagat
Ng awiting ito na aking isinulat
Upang ang mga batang makata'y aking mamulat
Heto na ang kahuli-hulihang awit sa CD
Na aking sinulat at pinakinggan mo nang mabuti
Kasing simple lamang ng awit ng ibon at paghuni
Sa mga letra sa aking isipan ay 'di ka lugi
Dahil mauunawaan mo mga pinanggalingan ko
Mga nararamdaman at ang mga saloobin ko
Ika'y sumunod, hatid ko'y tunog
Tula ko'y apoy sa ulan at kulog
At tubig sa iyong tapayan, lakaran mo, 'wag labanan
Kung 'di ako kilala, sasabihing ako'y mayabang
'Di walo, hindi sampu, 'yan lang talaga ang laman
Tamang-tama lamang 'yan kahit na limang kanta lang
Limang kanta lang ang siyang pangtapat
Ang siyang panggabay, at ang pamagat
Ng awiting ito na aking isinulat
Upang ang mga batang makata'y aking mamulat
Limang kanta lang ang siyang pangtapat
Ang siyang panggabay, at ang pamagat
Ng awiting ito na aking isinulat
Upang ang mga batang makata'y aking mamulat
Nalalapit na ang pagtatapos pero pisi ko'y 'di kapos
'Pag dumating ang laban, dapat tinta mo'y hindi ubos
Para 'di maiwanan, boses mo'y matapakan
At ang maging tampulan dito sa balagtasan
Ng mga makata na binata man o may asawa
Ang mga malulupit lamang ang siyang nakikilala
Parang ngipin ng piranha, 'pag hinipo mo hiwa ka
Kaya huwag mong hahawakan mga sinulat na letra
Ni G to the L to the O to the C
To the N to the I to the N to the E
'Di walo, hindi sampu, 'yan lang talaga ang laman
Tamang-tama lamang 'yan, kahit na limang kanta lang
Limang kanta lang ang siyang pangtapat
Ang siyang panggabay, at ang pamagat
Ng awiting ito na aking isinulat
Upang ang mga batang makata'y aking mamulat
Limang kanta lang ang siyang pangtapat
Ang siyang panggabay, at ang pamagat
Ng awiting ito na aking isinulat
Upang ang mga batang makata'y aking mamulat
Limang kanta lang ang siyang pangtapat
Ang siyang panggabay, at ang pamagat
Ng awiting ito na aking isinulat
Upang ang mga batang makata'y aking mamulat
Limang kanta lang ang siyang pangtapat
Ang siyang panggabay, at ang pamagat
Ng awiting ito na aking isinulat
Upang ang mga batang makata'y aking mamulat
Limang Kanta Lang was written by Gloc-9.
Limang Kanta Lang was produced by The Beatmonx.