I'm 39, right?
And I still love rappin', I love rappin'
But I'm tired of defending it
Hoy Gloc 9!!! Hoy! Ano sa tingin mo?
Ano sa tingin ko ngayon lamang mangyayari ‘to
Ang pag-uusap ng pinakamalupit sa mikropono
May sasabihin ako pero atin-atin lang ‘to
Hoy Loonie!!! Hoy! Ano sa tingin mo?
Ano sa tingin ko baka 'di nila kayanin ‘to
Dalawang dila na magsingtalas halika pakinggan mo
Para maintindihan mo kung bakit laging gan’to
Alam mo tol matagal ko nang gustong itanong
Bakit musika nati’y laging nasa labas ng bubong
Kahit napakarami ang nagsasabi na "You’re da best!"
Bakit 'di ka namin nakikita sa Oktoberfest
Baka barado lang ng plema
Ang saradong mga tenga, teka
Kailan pa nga ba magbabago ang sistema
Na bulok at parang merong nakabalot na eczema
Ginagago ang mga nagtatalog sa eksena
Aaminin ko marami talaga ang 'di pulido
At nagmumukang gago 'pag humahawak ng mikropono
Meron pang disipulo, maangas at matipuno
Pakinggan mo ang awit niya, bakit parang hindi puno
Hindi puno kasi walang laman ang mga kukote
Ang utak ay puro lupa, na parang bakanteng lote
Puro putik at burak pwedeng taniman ng kamote
Nung umulan ng katalinuhan sila yung nakakapote
Hoy Gloc 9!!! Hoy! Ano sa tingin mo?
Ano sa tingin ko ngayon lamang mangyayari ‘to
Ang pag-uusap ng pinakamalupit sa mikropono
May sasabihin ako pero atin-atin lang ‘to
Hoy Loonie!!! Hoy! Ano sa tingin mo?
Ano sa tingin ko baka 'di nila kayanin ‘to
Dalawang dila na magsingtalas halika pakinggan mo
Para maintindihan mo kung bakit laging gan’to
'Di pinapatugtog ang awit kapag hindi ingles
Kahit na tunog kanluran, bakit nakaka depress yes
Alam na nila kung sino ang tinutukoy
Kasi may mga awit na malambot pa sa okoy ang nasa kanilang playlist
Pero bakit tunog luma'ng kanilang laylist
Walang pananampalataya parang athiest
'Di na kailangang sabihin ang aming alias, we are the craziest
Sagana sa kalokohan, kapos sa katinuan
Pero seryoso na ako tapos na ang biruan
Kamusta na si Juan Tamad nasa bayabasan
Kahit baliktarin ganun pa rin nasa bayabasan
Wala na bang ibang mga panibagong paksa
Puro na lang ba tungkol sa 'ting paralisadong bansa
Pinamumugaran ng mga buwaya at alimangong bakla
Kaya industriya ng musika siguradong plakda
Hoy Gloc 9!!! Hoy! Ano sa tingin mo?
Ano sa tingin ko ngayon lamang mangyayari ‘to
Ang pag-uusap ng pinakamalupit sa mikropono
May sasabihin ako pero atin-atin lang ‘to
Hoy Loonie!!! Hoy! Ano sa tingin mo?
Ano sa tingin ko baka 'di nila kayanin ‘to
Dalawang dila na magsingtalas halika pakinggan mo
Para maintindihan mo kung bakit laging gan’to
Kung wala kang pangmasa, wag ka na magbasa
Kahit anong galing mo pa wala kang pag-asa
Na parang ang buhay mo’y tinaningan ng doktor
Na di naman nakapag aral isa lamang impostor
Mga mapagbalatkayo, lahat kayo ay tutumba
At kahit na magmumog ka wala ka pa ring ibubuga
Sino ka? Oo nga pala kilala na kita
Pwede mo ba akong tulungan sige idol na kita
Hoy!! Wag ka na lumapit, wag ka na magtanong kung bakit
Istilo mo ay mas laos pa sa maong na jacket
Na mabaho at ginamit ng sandamukal na panget
Bato bato sa langit ang tamaa’y wag magalit
Galing ng dila ay doble, bokabularyo at palarila
Tagalog o ingles sasampalin ka ng magkabila
Matatapos na kami ako ang nasa huli
Pero wag ka mag-alala dahil eto na track 3
Next!
Ano Sa Tingin Mo? was written by Gloc-9.
Ano Sa Tingin Mo? was produced by The Beatmonx.