Larawan by John Roa (Ft. Flow G)
Larawan by John Roa (Ft. Flow G)

Larawan

John Roa & Flow G * Track #1 On Byahe

Larawan Lyrics

[Intro: JRoa]
Tanging larawan, tanging larawan, tanging larawan mo
Tanging larawan, tanging larawan, tanging larawan mo

[Verse 1: JRoa]
Tanging alaala mo na lamang ba'ng tanging hawak ko
At ang mga matatamis na yakap at halik sa t'wing ika'y kasama ko?
'Di na ba talaga mababalik ang nagdaan?
Kailan nga ba muli ikaw ay nahagkan?
At bakit ba kailangan pang lumisan
At bumitaw sa pagkakahawak mo?

[Pre-Chorus: JRoa]
Sa totoo lang, hirap na hirap na 'kong isipin
Kung pa'no ka bumalik sa'king muli
Pagod na pagod na rin akong piliting
Limutin ang pagkasawi
Wala ba talagang katapusan ang masaktan?
Ang mayakap ka'y walang kasiguraduhan
Kung may isang hiling at mapagbibigyan
Ang tanging nais ko ay ang muli kang mahagkan

[Chorus: JRoa]
Tanging larawan mo na lamang ba
Ang tanging hawak-hawak ko?
At kahit anong gawing limutin ka
Hindi maalis sa isip ko
Ang tanging larawan mo na lamang ba
Ang tanging hawak-hawak ko?
At sa pagdating ng tamang oras ay
Muling mararanasan ko na mahawakan mo

[Post-Chorus: JRoa]
Tanging larawan, tanging larawan mo, oh, ooh-woah, oh
Tanging larawan, tanging larawan mo

[Verse 2: JRoa]
Parang kailan lang, nung huli kang makausap
Parang kailan lang, ngayon nakatingala sa ulap
Naghahanap ng sagot sa bawat katanungan
Nagmumukmok, umiiyak habang yakap ang unan
Ngayon hindi ko na alam kung sa'n kukuha
Ng lakas upang bumangon dahil nga wala ka na

[Pre-Chorus: JRoa]
Sa totoo lang, hirap na hirap na 'kong isipin
Kung pa'no ka bumalik sa'king muli
Pagod na pagod na rin akong piliting
Limutin ang pagkasawi
Wala ba talagang katapusan ang masaktan?
Ang mayakap ka'y walang kasiguraduhan
Kung may isang hiling at mapagbibigyan
Ang tanging nais ko ay ang muli kang mahagkan

[Chorus: JRoa]
Tanging larawan mo na lamang ba
Ang tanging hawak-hawak ko?
At kahit anong gawing limutin ka
Hindi maalis sa isip ko
Ang tanging larawan mo na lamang ba
Ang tanging hawak-hawak ko?
At sa pagdating ng tamang oras ay
Muling mararanasan ko na mahawakan mo

[Post-Chorus: JRoa]
Tanging larawan, tanging larawan mo, oh, ooh-woah, oh
Tanging larawan, tanging larawan mo

[Verse 3: Flow G]
Umalis ka para iwan ako, nagpaalam ka at pag-alis mo
Hindi ko alam kung papa'no ako mabubuhay nang wala ka sa tabi ko
Marami pa sana akong gustong iparating na mga saloobin
Oo, mananatili ka sa'kin, ang masakit lang, 'di ka na makakapiling
Sino ba'ng dapat sisihin tadhana ba dahil pinutol ang aking ligaya?
O ang katulad mong sinanay akong masaya 'pag ikaw ay kasama?
Ngayon papa'no na kung wala ka na? Ano pang paraan ang magagawa?
Nakakapagod na rin makiusap, makinig ka naman at magsalita
Alam mo bang sa ngayon ay hirap na hirap na 'ko? Nakakapanghina
Alam kong nakapaligid ka sa'kin palagi kaso 'di ka nagpapakita
Napakadaya mo buong akala ko hanggang sa huling hininga ay kasama kita
At kahawak kamay kaso pa'no na 'yon kung nauna ka na
Mahal na mahal kita, pakiusap bigyan mo ako ng lakas ng loob
Para kayanin ang bawat pagsubok na nagdadala ng lungkot at puot
Gusto kitang makasama, mayakap ka man lang at mahalikan
Kaso papa'no pa 'yun mangyayari kung tulad mo ay isang larawan na lang

[Chorus: JRoa]
Tanging larawan mo na lamang ba
Ang tanging hawak-hawak ko? (Tanging hawak-hawak ko)
At kahit anong gawing limutin ka
Hindi maalis sa isip ko (Hindi maalis sa isip ko)
Ang tanging larawan mo na lamang ba
Ang tanging hawak-hawak ko? (Tanging hawak-hawak ko)
At sa pagdating ng tamang oras ay
Muling mararanasan ko ang mahawakan mo
Tanging larawan mo na lamang ba (Larawan mo)
Ang tanging hawak-hawak ko? (Larawan mo, wala nang iba)
At kahit anong gawing limutin ka
Hindi maalis sa isip ko (Hindi maalis sa isip ko)
Ang tanging larawan mo na lamang ba
Ang tanging hawak-hawak ko? (Tanging larawan mo na lang, baby)
At sa pagdating ng tamang oras ay (At sa pagdating)
Muling mararanasan ko na mahawakan mo

[Outro: JRoa]
Tanging larawan, tanging larawan mo, oh, ooh-woah, oh
Tanging larawan, tanging larawan mo

Larawan Q&A

Who wrote Larawan's ?

Larawan was written by Flow G & John Roa.

When did John Roa release Larawan?

John Roa released Larawan on Fri Sep 30 2016.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com