Babalik Lyrics

[Verse 1: Flow G]
Makalipas ang mahabang panahon
Tsaka mo marararamdaman ang lubos na panghihinayang
Sayang lamang dahil 'di na muling mahahawakan pa
Ang mga palad ko magmula nang ako'y iyong bitawan
Binasura ang pagmamahal, hindi pinahalagahan
Iniwanan mo 'ko kahit na walang sapat na dahilan
Binitawan ang kamay ko sa gitna ng ulan
At pinamukha mo sa'kin na hindi mo 'ko minahal
Kaya sana 'wag na magbakasakali
Maibabalik ang dating pagsinta, hindi nabali
Matapos mo'ng alisin ang higpit ng pagkakatali
Babalik ka sa'kin, nako po hindi na maaari
Wala na akong gana (Wala na)
Lahat ng sakit ay mag-isa ko lang kinaya
Kaya sana 'wag ka nang mangamusta pa
At umasang maibabalik pa tayo
Ayaw na kitang kasama

[Chorus: JRoa]
Balang araw ay magbabalik ka rin
At maalala mo ang mga sandali na
Tayo'y magkasama, tayo'y magkausap
Magdamag hanggang umaga
Ngayon hindi mo pa makita
Pero balang araw ay babalik ka

[Verse 2: Skusta Clee]
Bago mo sabihing hindi kita minahal
Anong pruweba mo? Sabihin sa'kin (Sabihin sa'kin)
'Di ako nagkulang o nagkamali
Alam mong pinaglaban ko pag-ibig natin (Masaya ka na ba?)
Masaya ka bang nasasaktan ako, baby? ('Pag kasama mo siya)
Kulang na lang ay magpakamatay ako, baby
Iiyak kunwari 'pag ako ang kaharap
Pero pagtalikod mo ay maglalaho na lahat
Mga sinabi mo sa'kin ay puro lamang ka-shitan
Sa lahat ng matino, ako pa ang napagtripan (Oh, no, no, no)
Babalik sa'yo ang (Babalik sa'yo) mga ginawa mo sa'kin
'Pag nangyari 'yon hindi na kita kayang tignan

[Chorus: JRoa]
Balang araw ay magbabalik ka rin
At maalala mo ang mga sandali na
Tayo'y magkasama, tayo'y magkausap
Magdamag hanggang umaga
Ngayon hindi mo pa makita
Pero balang araw ay babalik ka

[Verse 3: Bosx1ne]
Balang araw ay babalik ka
Pero 'pag nangyari 'yon, hindi na, hindi ko na makita
Hindi ko na madadama dahil pinahina mo ang aking kalooban
Iniwanan mo, pinaiyak tapos sinugatan
Teka lang, ba't ka nagbabalik?
Alam mo bang tapos na ako sa panananabik
Kaya hindi na ulit magpapakasakit
Hindi ko na naisin pang humalik
Kaya hindi ko na kailangan pa nang yakap mo
Hindi ko na kailangan pa, hindi na kita kailangan pa
Dito sa buhay ko, hindi mo ba nakita?
Hindi ko na kailangan masaktan mo pa nang sobra
Ngayon sa'kin babalik ka
Hindi mo na ginalang sa harap ko umalis ka
'Wag ka sa'kin magpakita
Ang mga iniwan mong sugat sa'kin magaling na
'Wag nang bumalik pa
Wala na akong balak sa'yo makipagbati pa

[Chorus: JRoa]
Balang araw ay magbabalik ka rin
At maalala mo ang mga sandali na
Tayo'y magkasama, tayo'y magkausap
Magdamag hanggang umaga
Ngayon hindi mo pa makita
Pero balang araw ay babalik ka
Balang araw ay magbabalik ka rin
At maalala mo ang mga sandali na
Tayo'y magkasama, tayo'y magkausap
Magdamag hanggang umaga
Ngayon hindi mo pa makita
Pero balang araw ay babalik ka

[Outro: JRoa]
Babalik ka, babalik ka, babalik ka
Pero balang araw ay babalik ka

Babalik Q&A

Who wrote Babalik's ?

Babalik was written by Honcho & Skusta Clee & Flow G & John Roa.

When did John Roa, Flow G, Skusta Clee & Bosx1ne release Babalik?

John Roa, Flow G, Skusta Clee & Bosx1ne released Babalik on Fri Sep 30 2016.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com