Minsan pakiramdam ko lahat ng ito'y
Imposible na lang ang sagot
Pag-aalinlangan ko'y laging nandiyan
Para bang wala nang mapapatunayan
Ilang pintuan pa ba ang sasarhan?
Sa aking paglalakbay
Bawat hakbang ay mahalaga
Ngunit ngayo'y puno ng pangamba
Kung ito na nga ba o hindi pa
Malayo man o makitid ang daanan
Kayang marating ang hangad na pupuntahan
Mahirap man ang labang tatahakin
Kayang abutin ang mga pangarap
Pagkat ang mga hindi mo noon ay papunta sa mga oo mo ngayon
Anumang sabihin nila ay balewala na
Di nila hawak ang hinaharap
Kaya kong abutin ang lahat
Malayo man o makitid ang daanan
Kayang marating ang hangad na pupuntahan
Kayang abutin ang mga pangarap
Malayo man o makitid ang daanan
Kayang marating ang hangad na pupuntahan
Mahirap man ang labang tatahakin
Kayang abutin ang mga pangarap
Walang imposible
Hindi imposible
Malayo man o makitid ang daanan
Kayang marating ang hangad na pupuntahan
Mahirap man ang labang tatahakin
Kayang abutin ang mga pangarap
Pagkat ang mga hindi mo noon ay papunta sa mga oo mo ngayon
Kayang Abutin was written by Trisha Denise.
Kayang Abutin was produced by Jonathan Manalo.
Dan-ombao released Kayang Abutin on Mon Jul 29 2019.