[Verse 1]
Nasaan na ba kayo?
Mag-isang tumatakbo
Kay tagal ‘di nagkita
Puso niyong nawawala
Sino ba naman ako
Para balikan ninyo?
Kaibigang nawala
Dahan-dahang umalsa
[Chorus]
Bakit kaya
Ayaw ng lahat sa’kin?
Ramdam ko na
Ako’y iiwanan ng lahat
[Verse 2]
Dapat ko bang tanggapin
Mag-isang ililibing?
Kahit may dalang bituin
‘Di ka niyan papansinin
Sabi ng kalangitan
Habang-buhay kang ganiyan
Iiwanan ka nila
Kahit na maayos ka
[Chorus]
Bakit kaya
Ayaw ng lahat sa’kin?
Ramdam ko na
Ako’y iiwanan ng lahat
[Instrumental]
[Spoken Outro]
Ang dami kong gustong itanong
Ang dami kong gustong sabihin
Pero 'di ko masabi, 'di ko masabi sa inyo
Parang ang layo-layo niyo na
'Di ko kayo maintindihan
Lalong lalo, 'di niyo 'ko naiintindihan
Paalam
iiwan ng lahat was written by Zild.
iiwan ng lahat was produced by Zild.
Zild released iiwan ng lahat on Thu Aug 06 2020.