Bugtong by Gloc-9 (Ft. Yeng Constantino)
Bugtong by Gloc-9 (Ft. Yeng Constantino)

Bugtong

Gloc-9 & Yeng Constantino * Track #3 On Talumpati

Bugtong Lyrics

[Verse 1: Gloc-9]
'Di yata dapat ginawa 'to, parang delikado
Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao
Hindi ko pipigilin, pilit na sisilipin
Kahit na takpan, aking bibig ay aking sasabihin
Sasabihin, sasabihin, sasabihin, sasabihin

[Hook: Yeng Constantino]
Pwedeng tao, pwedeng hayop
Sino kaya ang tinutukoy ko?
Parang tao, parang hayop
Sino kaya ang tinutukoy ko?

[Verse 2: Gloc-9]
Malamang ang ibinoto mo'y kurap
Tao n'ang kanyang likod ang ginagawang harap
Tutungtong sa entablado at makikiharap
Dumudura ng mga kasinungalingang masarap
Pakinggan, parang awitin na laging nasa tono
Pero ang kanyang ugali ay ubod nang sintunado
Tituladong abogadong milyonaryong mabait
May isan dosenang anak sa patong-patong na kabit
Tingnan mo ang bait, parang 'di ka nahihiya
Napakarami ang gutom pero ika'y nakahiga
Nagpapasasa sa kayamanang kay bilis
Mong nakuha sa pinagsama-sama naming buwis
Amoy panis, kay bangis, kapag ikaw ang kumagat
Walang natitira, simot lahat, pati buto't balat
Nagkakalat ay isang garapal na mandaraya
Walang pinagkaiba sa nakaabang na buwaya
Na sinasakmal ang lahat ng makita 'pag gutom
Panga'y laging nakabukas na parang bilasang tahong
Kaya parang alam ko na kung ano ang dahilan
At kasagutan dito sa laro ng hula-hulaan

[Hook: Yeng Constantino]
Pwedeng tao, pwedeng hayop
Sino kaya ang tinutukoy ko?
Parang tao, parang hayop
Sino kaya ang tinutukoy ko?

[Interlude: Gloc-9]
'Di yata dapat ginawa 'to, parang delikado
Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao
Hindi ko pipigilin, pilit na sisilipin
Kahit na takpan, aking bibig ay aking sasabihin
Sasabihin, sasabihin, sasabihin, sasabihin

[Verse 3: Gloc-9]
Na para bang hindi ka makahinga
Natatakot ka na baka biglang maamoy nila
Ang mabaho at bulok na sistemang nakabara
Sa malaki at matigas na tiyan mo'y kakasya pa ba?
Araw-araw kang busog pero 'di ka makadighay
Hinay-hinay lamang, baka po inyong ikamatay
"Magtiwala ka, anak," 'yan ang sabi ni Inay
Pero bakit lahat ay sanay na sanay sa lagay?
Ganyan dito sa Pinas, ewan ko lang sa iba
Magkano ba ang amin dyan? 'Yan lang ang mahalaga
Teka tulungan niyo ako, sinong malinaw ang mata
Ituro niyo kung sinong 'di milyunaryo sa kamara
Pagpasensiyahan niyo na kung medyo hindi bilib
Tinuruan lang ako na maging mapagmasid
Sa tagal ng panahon, mahirap maging manhid
Parang sugat na tuyo na tinalupan ng langib
At binuhusan ng mertiolet, sa laman nakadikit
Iwan ang pamilya sa ibang bansa ipagpalit
May pag-asa pa ba ang bayang nakataya?
Ang pati pato't [?], sino ang dapat mahiya?

[Hook: Yeng Constantino]
Pwedeng tao, pwedeng hayop
Sino kaya ang tinutukoy ko?
Parang tao, parang hayop
Sino kaya ang tinutukoy ko?
Pwedeng tao, pwedeng hayop
Sino kaya ang tinutukoy ko?
Parang tao, parang hayop
Sino kaya ang tinutukoy ko?

[Outro: Gloc-9]
'Di yata dapat ginawa 'to, parang delikado
Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao
Hindi ko pipigilin, pilit na sisilipin
Kahit na takpan, aking bibig ay aking sasabihin na

Bugtong Q&A

Who wrote Bugtong's ?

Bugtong was written by Gloc-9.

Who produced Bugtong's ?

Bugtong was produced by Jonathan Ong.

When did Gloc-9 release Bugtong?

Gloc-9 released Bugtong on Tue Jan 18 2011.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com