Baon by Gloc-9 (Ft. Gab Chee Kee)
Baon by Gloc-9 (Ft. Gab Chee Kee)

Baon

Gloc-9 & Gab Chee Kee * Track #6 On Talumpati

Download "Baon"

Baon by Gloc-9 (Ft. Gab Chee Kee)

Release Date
Tue Jan 18 2011
Performed by
Gloc-9Gab Chee Kee
Produced by
Jonathan Ong
Writed by
Gloc-9 & Gab Chee Kee
About

This song initially tells the story of two lovers, their dates, and travels to and from the metro, which turns rather grim in the last part of the song.

The singer, having caught his partner in an affair, turned to violence against both their partner, and the person they were having an affair with....

Read more ⇣

Baon Lyrics

[Gab Chee Kee:]
Mula nang makilala ka
'Di na ako nakawala
Saan-saan ng dumaan
Hindi pa rin kita natatakasan
Kahit saan ang magpunta
Parang ikaw ang nakikita
At kung ako'y mapatingin
Bigla na lang naglalaho
Na parang hangin

[Chorus: Gab Chee Kee]
Lagi kitang dala-dala
Kahit nasa'n ka ngayon sa bawat pagkakataon
Iniisip pa rin kita
Kahit nasaan ka pa lagi kitang dala-dala

[Gloc-9]
Ikaw ang lagi kong kasama kahit saan pumunta
Kahit saan makarating kung nando'n ako naro'n ka
Sa may Quiapo, sa Lawton, papunta ng Luneta
Naglalakad sa Roxas Boulevard sa may Cuneta
Astro Dome dire-diretso sa may Baclaran
Sa simbahan tuhod ang gamit-gamit sa nilakaran
Na sahig pagkatapos sumakay ng bus na medyo
Siksikan at mainit pamaypay lang ang remedyo
Mama para sa tabi, bababa na po kami
Bumili ng malamig kasi nauhaw na kami
Habang kami nag-aabang sa ilalim ng Alabang
Ang tanghalian ay manggang sinawsaw lang sa alamang
Dinaanan ang Sucat pagkatapos Bicutan
Biglang may sumigaw na babae sabi nadukutan
Kahit anong gawin nyo basta okay lang ako
Kasi kasama ko lagi ang pinakamamahal ko

[Chorus: Gab Chee Kee]
Lagi kitang dala-dala
Kahit nasa'n ka ngayon sa bawat pagkakataon
Iniisip pa rin kita
Kahit nasaan ka pa lagi kitang dala-dala

[Gloc-9]
Nang sumapit ang gabi dumaan sa may Ayala
Gusto mo maghapunan? Sige maya-maya na
Ituro mo lang sa akin kung meron ka nang napili
Sa Greenbelt o Glorietta gamitin mo ang 'yong daliri
Bakit wala kang kibo, galit ka pa rin ba sa akin?
May liham ako sa'yo eto subukan mong basahin
Sa loob ng MRT kasi ang traffic sa EDSA
Makakaupo ka rin pagdating sa Araneta
Bumaba sa Quezon Ave., uy may shooting sa flyover
Paborito mong artista na palaging nasa cover
Wala ka bang makita kasi ang daming tao
Sige halika dito may naisip akong plano
Kumapit ka lang sa akin 'wag na 'wag kang bibitaw
Teka medyo mataas 'wag na 'wag kang sisigaw
Kahit anong gawing nyo basta okay lang ako
Kasi kasama ko dito ang pinakamamahal ko

[Chorus: Gab Chee Kee]
Lagi kitang dala-dala
Kahit nasa'n ka ngayon sa bawat pagkakataon
Iniisip pa rin kita
Kahit nasaan ka pa lagi kitang dala-dala

[Gloc-9]
Nakita na nila ako kasalanan mo kasi
Ako'y pinagpalit nahuli kita nung isang gabi
Napaaga ang pagdating at sa butas ng dingding
Aking nalaman na ang iyong budhi ay maitim
Parang sugat na may asin mahal bakit mo naatim
Ako'y niloko, tinoyo, tinoyo naging malagim
'Wag mo nang isipin yon dahil di na siya babalik
'Di na rin gigising yon kahit pa sa isang halik
'Di na tayo maglalayo hindi na maghihiwalay
Dahil kalahati ng aking buhay ay nasa yong kamay
Patawarin mo ako kung sinaktan man kita
Pero matapos ang lahat ay hinagkan naman kita
Halika sumama ka sa'kin sabay tayong tatalon
Hindi ka ba naiinitan sa loob ng pantalon
Di ka sa'kin mawawala kahit na sinong pumusta
Kasama ng isang singsing ikaw ay nasa 'king bulsa kaya

[Chorus: Gab Chee Kee]
Lagi kitang dala-dala
Kahit nasa'n ka ngayon sa bawat pagkakataon
Iniisip pa rin kita
Kahit nasaan ka pa lagi kitang dala-dala

[Outro: Gab Chee Kee]
Mula nang makilala ka
'Di na ako nakawala

Baon Q&A

Who wrote Baon's ?

Baon was written by Gloc-9 & Gab Chee Kee.

Who produced Baon's ?

Baon was produced by Jonathan Ong.

When did Gloc-9 release Baon?

Gloc-9 released Baon on Tue Jan 18 2011.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com