[Verse 1]
Paano na magagawa
Na ako'y kayakap mo pero iba ang nasa isip
Kung kaya nag-iiba
Ang turing mo sa'kin 'pag tayo'y nagkikitang magkasama
[Refrain]
Unti-unting bumibitaw
Mga mata'y malayo ang tanaw
Hanggang kailan, hanggang saan (Hanggang saan)
Kita ipaglalaban
[Pre-Chorus]
Sabihin mo lang kung 'di na ako
Ang laman ng puso mo
Pagod na'ng sa kaiisip
Napapaisip kung ano ba'ng tinatago mo
[Chorus]
Bibitaw na
Hindi na aasa sa wala
'Di na magpapadala
Sa mga matamis mong mga salita
[Post-Chorus]
Ako ay bibitaw na, na-na, na-na
Ako ay bibitaw na, na-na, na-na
Puso'y pinagod muna, na-na, na-na
Ako ay bibitaw na, oh-oh
[Verse 2]
Sinabi mo na akin lang
Ang puso't isip mo sa habang buhay magpakailanman
Pero ngayon
Lahat ng meron sa'tin ay tinapon na't binalewala
[Refrain]
Unti-unting bumibitaw
Mga mata'y malayo ang tanaw
Hanggang kailan, hanggang saan (Hanggang saan)
Kita ipaglalaban
[Pre-Chorus]
Sabihin mo lang kung 'di na ako
Ang laman ng puso mo
Pagod na'ng sa kaiisip
Napapaisip kung ano ba'ng tinatago mo
[Chorus]
Bibitaw na
Hindi na aasa sa wala
'Di na magpapadala
Sa mga matamis mong mga salita
[Post-Chorus]
Ako ay bibitaw na, na-na, na-na
Ako ay bibitaw na, na-na, na-na
Puso'y pinagod muna, na-na, na-na
Ako ay bibitaw na, oh-oh
[Bridge]
Hindi ba't sinabi mo sa akin na ako ang lang iyong mahal
Dati-rati tayong magkayakap pero ba't ngayon ay nasasakal
Nagkulang ba ako?
Binuhos sa iyo lahat ng pagmamahal ko, ooh, oh
[Chorus]
Bibitaw na
Hindi na aasa sa wala
'Di na magpapadala
Sa mga matamis mong mga salita
[Post-Chorus]
Ako ay bibitaw na, na-na, na-na
Ako ay bibitaw na, na-na, na-na
Puso'y pinagod muna, na-na, na-na
Ako ay bibitaw na, oh-oh
Bibitaw Na was written by Darren Espanto.
Bibitaw Na was produced by Jonathan Manalo.
Darren Espanto released Bibitaw Na on Fri Sep 15 2023.