[Verse 1]
Umiiyak, gabi-gabi
Walang tinig na naririnig
Nakikipaglaban sa digmaan na talunan
Hanggang kailan, talo na, pagod na
Akala ko ika'y sa akin pa, pero hindi na pala
Wala na nga ba talaga?
[Verse 2]
Naglalagalag sa kadiliman
Naliligaw, nalilito, ano nga ba ako sa'yo?
Sino nga ba ako sa'yo?
Dito sa aking pagkakahimlay
Sa dibdib ko ay parang may nakadagan
Walang-kasing lungkot
Walang-kasing sakit
[Chorus]
Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili, sino bang dapat pumili?
Sino nga ba, ako ba o ikaw?
Gusto ko nang bumitaw-aw-aw
[Verse 3]
Kung kalungkutan kong kaligayahan mo
Kung pagkagapos ko'y paglaya mo
Kung ang sugat sa puso kong siyang lunas diyan sa puso mo (Ooh) Paano na ako?
Magpaparaya ba?
Papakawalan na lamang ba kitang buo sa loob?
Pinanghihinaan na nang loob
[Chorus]
Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili, sino bang dapat pumili?
Sino nga ba, ako ba o ikaw?
Gusto ko nang bumitaw-aw-aw
Gusto ko nang bumitaw-aw-aw (Ooh)
[Bridge]
Humahagulhol ngunit wala namang nakikinig
Walang magandang pupuntahan
Kailanman ang maling pag-ibig
Kaya ngayon, pipiliin ko muna ang aking sarili
Bago magmahal muli
Magmamahalan pa kaya
Magmamahalan pa kaya tayong muli, oh
Ooh
[Chorus]
Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso (Oh)
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili, sino bang dapat pumili?
Sino nga ba, ako ba o ikaw?
Gusto ko nang bumitaw-aw-aw
Gusto ko nang bumitaw-aw-aw
Gusto ko nang bumitaw, (Bumitaw) bumitaw (Bumitaw), bitaw
Gusto ko nang bumitaw
[Outro]
Pipiliin ko na ang sarili
Bibitaw, bibitaw na
Gusto Ko Nang Bumitaw was written by Jonathan Manalo & Sheryn Regis & Michiko Unso.
Gusto Ko Nang Bumitaw was produced by Jonathan Manalo.
Sheryn Regis released Gusto Ko Nang Bumitaw on Fri Oct 22 2021.