[Verse 1]
Kapag nag-iisa at napapaisip ka
Huwag na huwag mong hahayaan
Malungkot sa mga pinagdaanan
Manaog at silipin ang buwan at bituin
Sumabay sa huni ng mga pipit
At ako'y iyong hintayin
[Pre-Chorus]
Yakapin natin ang gabi, ipihit ang mga binti
Kalimutan lahat ang mga pighati
Damhin ang bawat sandali
Sisikat din ang haring araw
May panibagong yugto
Na sayo'y nag-aabang
[Chorus]
Kaya't huwag manghinayang (manghinayang)
Pagkat may bagong-araw (bagong-araw)
Kaya't huwag manghinayang (manghinayang)
Pagkat may bagong-araw (bagong-araw)
[Verse 2]
Kapag nangangamba at hindi mapakali
Sa mga bukas na paparating
Tiyak na maiibsan natin
Umikot na ang plaka
Tangnan ang aking bisig
Sabay sa ritmo ng ating dibdib
Halina't sayawin
[Pre-Chorus]
Yakapin natin ang gabi, ipihit ang mga binti
Kalimutan lahat ang mga pighati
Damhin ang bawat sandali
Sisikat din ang haring araw
May panibagong yugto
Na sayo'y nag-aabang
[Chorus]
Kaya't huwag manghinayang (manghinayang)
Pagkat may bagong-araw (bagong-araw)
Kaya't huwag manghinayang (manghinayang)
Pagkat may bagong-araw (bagong-araw)
[Bridge]
Mapanlinlang ang kalungkutan, lumaban ka
Mapagbalat-kayo ang panghihinayang
Tanggapin mo lang lahat ang hindi natin mababago
Pagka't ang buhay ay sadyang ganyan
[Pre-Chorus]
Yakapin natin ang gabi, ipihit ang mga binti
Kalimutan lahat ang mga pighati
Damhin ang bawat sandali
Sisikat din ang haring araw
May panibagong yugto
Na sayo'y nag-aabang
[Chorus]
Kaya't huwag manghinayang (manghinayang)
Pagkat may bagong-araw (bagong-araw)
Kaya't huwag manghinayang (manghinayang)
Pagkat may bagong-araw (bagong-araw)
Yakapin Natin Ang Gabi (2022 Remaster) was written by Clem Castro.
Yakapin Natin Ang Gabi (2022 Remaster) was produced by Orange & Lemons.
Orange & Lemons released Yakapin Natin Ang Gabi (2022 Remaster) on Sun Apr 08 2018.