[Verse 1]
Kay sarap sabihin na mahal ka sa 'kin
Tunay na ligaya ang nadarama
[Pre-Chorus]
Sana'y laging ganito, kamay mo ang hawak ko
Walang sawang paglinga sa 'yo sinta
[Chorus]
Yakap-yakap ka, ngunit nangangamba
Nalilibang ang puso dahil sa 'yong ganda
Tulungan mo ako na 'wag mag-alala
Kahit ano'ng mangyari, mahal kita
Oooh, ohh
[Verse 2]
Kay ganda ng umaga (kay ganda ng umaga)
Sintamis ng pag-asa (pag-asa)
Paggising ko, ikaw ang kasama
[Pre-Chorus]
Sana'y laging ganito, kamay mo ang hawak ko
Walang sawang paglinga sa 'yo (sa 'yo) sinta (sinta)
[Chorus]
Yakap-yakap ka, ngunit nangangamba
Nalilibang ang puso dahil sa 'yong ganda
Tulungan mo ako na 'wag mag-alala
Kahit ano'ng mangyari, mahal pa rin kita
Yakap-yakap ka, ngunit nangangamba
Nalilibang ang puso dahil sa 'yong ganda
Tulungan mo ako na 'wag mag-alala
Kahit ano'ng mangyari, mahal kita (mahal kita)
Ohh, yakap-yakap ka, ngunit nangangamba
Nalilibang ang puso dahil sa 'yong ganda (sa 'yong ganda)
Tulungan mo ako na 'wag mag-alala
Kahit ano'ng mangyari
[Outro]
Kahit ano'ng mangyari
Kahit ano'ng mangyari, mahal pa rin kita
Yakap-yakap was written by Randy Santiago.