[Verse 1]
Nung mga panahong magkasama tayo
Panay ang tanong mo’ng “Mahal mo ba ako?”
Ba’t nag-aalinlangan pa ang puso mo?
Hindi pa ba ako sapat sayo?
[Pre-Chorus]
Binalot ng lungkot ang mundo
At bumuhos ang ulan sa’king mga mata
[Chorus 1]
Ulan ng kahapon ang iniwan sa’kin
Ang kahapon na sana ika’y kapiling
Ulan ng kahapong puno ng sakit
Iniwan lamang sa isang idlip
Ulan ng kahapon
[Verse 2]
Darating din ang bagong umaga
Ang bagong umagang sa isip ay wala kana
Ulan ng kahapo’y maghihilom na
At bakas ng sakit ay lilisan na
[Pre-Chorus]
Binalot ng lungkot ang mundo
At bumuhos ang ulan sa'king mga mata
[Chorus 1]
Ulan ng kahapon ang iniwan sa’kin
Ang kahapon na sana ika’y kapiling
Ulan ng kahapong puno ng sakit
Iniwan lamang sa isang idlip
Ulan ng kahapon
[Bridge]
Nabubura na ang mga alaala
At ito’ng bagong panimula
[Chorus 2]
Ulan ng kahapon ang iniwan sa’kin
Ang kahapon na nagbigay lakas sa akin
Ulan ng kahapon wala nang sakit
May guhit na ng ngiti sa mga labi
Ulan ng kahapon
[Outro]
(Ulan ng kahapon ang iniwan sa’kin
Ang kahapon na nagbigay lakas sa akin)
Ooh
Ulan Ng Kahapon was written by Rex Torremoro.
Ulan Ng Kahapon was produced by Rox Santos.
Klarisse-de-guzman released Ulan Ng Kahapon on Fri May 28 2021.