[Intro]
You are listening to AK Beats (AK Beats)
Ayy, ayy, ayy, ayy
Ayy, ayy, ayy, ayy
Ayy, ayy, ayy, ayy
Magandang umaga, tanghali, at gabi sa inyong lahat
(Ayy, ayy, ayy, ayy, ayy, ayy, ayy, ayy)
Ako pong muli ang inyong lingkod, si Gloc-9
(Ayy, ayy, ayy, ayy, ayy, ayy, ayy, ayy)
Gloc-9, ayusin mo
(Ayy, ayy, ayy, ayy, ayy, ayy, ayy, ayy)
As we go see to give you what you need
(Ayy, ayy, ayy, ayy, ayy, ayy, ayy, ayy)
May sasabihin lang ako
(Ayy, ayy, ayy, ayy, ayy, ayy, ayy, ayy)
Subukan natin 'to
[Verse 1]
Meron akong gustong itanong
Sagutin ng malakas, ayoko ng pabulong
Kung palaliman din lang kunin mo yung malukong
Punuin natin ng mga salitang malutong
Alam kong ang mundo na nilalakaran natin ay
Nababalutan, palupitan ng porma na pamatay
Pataasan ng sampay, ’di nyo kayang pumantay
Ga'no karaming ginto at singsing na nakalagay
Sa'yong kamay at leeg, malayo mo na madedma
Palaging nakaangkla si Elsa, Lorna at Edna
Nagmamahalang tsikot ang kanilang pinaparada
’Di makita sa bintana kapag pinaarangkada na
Hanep palakasan ng dating
Lahat na lang ay kalaban sa tuwing nalalasing
Hindi naman manipis mga napakapraning
Bakit 'di nauubusan ng mga hinanaing
Hindi daw siya makasulat kapag hindi naka-weed
'Di naman nakakagulat halos 'di makatawid
Sa makatuwid, kung gusto mo na may masamid
'Pag lumakad sa alambre, dapat napakatuwid
[Pre-Chorus]
Opp, sabi na ganto ako na si Cursy
Dapat makatas, pataas palagi
Ano mang 'di mo naabot ay bahagi
Balikan mo na lang, pwede pang mapawi
[Interlude]
Sa totoo lang, wala namang masama
Na maging siga, astig o maangas ka
Basta wala kang ina-argabyado
Pero ako ang tatanungin niyo
Sa tunay na kahulugan ng mga 'yan
Ito ang sasabihin ko
[Verse 2]
Isang anak na naghahanap ng pera para sa
Hapagkainan ng pamilya kahit malayo pa
Pansit na nakabalot sa supot, kanyang dala-dala
Kahit na hindi sapat ay pagsasaluhan nila
Tapos gigising sa hatinggabi upang timplahan ng
Gatas ang kanyang supling kahit ilang takal na lang
Bukas tuloy ang kanyang pakikipagsapalaran
Para sa kapakanan, hindi magpapalamang
Pero lalaban ng patas dahil ang pinapangarap
Sa kanyang mga anak ay ang kabutihan ng asal
Mabagal man ang pag-usad, kulang man ang pantakal
Maaga lagi sa bungad, sipag na walang angal
[Refrain]
Basta nasa maayos lamang kayo
Ligtas at malusog, busog na ako
Kahit na ga'no pa kabigat ang pasan ko
Para lamang sa inyo, bubuhatin ko ’to
Basta nasa maayos lamang kayo
Ligtas at malusog, busog na ako
Kahit na ga’no pa kabigat ang pasan ko
Para lamang sa inyo, bubuhatin ko 'to