Tulad Mo by Julie Anne San Jose
Tulad Mo by Julie Anne San Jose

Tulad Mo

Julie Anne San Jose * Track #7 On Deeper

Tulad Mo Lyrics

[Verse 1]
Itong tula't kantang aking nais iparating
Heto ang makatang bibo na malinis ang hangarin
Pakinggan ang mga lirikong aking sasambitin
Buhay ng batang nangangarap makamit ang mithiin
Sa mundong ibabaw mga tao ay iba-iba
Simula't sapul musmos na isip ay 'di alintana
Ang biyayang binigay sa kaniya ng Panginoon
Sa kaniyang palad palagi mga dasal ay may tugon
Tila ba sa bawat pag-awit nagmumula sa puso
Ngiti sa mga labi pagtapak ng entablado
Mga taong binubulong, sinisigaw kaniyang pangalan
Lubos ang ligaya sa musikang nilalaan
Ngunit sa kabila ng kaniyang tinatahak na landas
Para bang may kapalit at magulo ang dinaranas
Dating buhay, ang simpleng pamumuhay
Kung 'di lang sa pangarap na nabibigay na kulay

[Chorus]
Parang ihip lang ng hangin ang panahon
Maraming tatahakin sa bawat yugto
Tanong sa sarili, kung titigil ba o tatakbo?
Tao lang naman ako na tulad mo, ooh, yeah, yeah

[Verse 2]
Kay sarap isipin ang pangarap na tinatamasa
Parang panaginip ang lahat ika'y sagana
Ngunit hindi kayang iwasan ang mapanghusga
Na para bang tuwang-tuwa kapag ika'y nadarapa
At minsan tinamaan nga naman ni Kupido
Para bang nasa langit subalit naging komplikado
Iniwang nakalutang at tuluyang nag-iisa
Paulit-ulit ang tanong, sino ba ang nagkasala?
Nagtiwala, kasalanan bang damdamin ay tapat?
'Yun ang akala, ako pala'y hindi pa rin sapat
Damang-dama mga sugat mahirap mawala
Hanggang sa pumatak na lang ang mga luha sa lupa
Na tila ba nabubulagan, bakas ng nakaraan
Na 'di na dapat balikan salamin ng kamalian
Tuloy ang buhay at pangarap sa bawat segundo
Tao lang naman ako at "dakilang macho"

[Chorus]
Parang ihip lang ng hangin ang panahon
Maraming tatahakin sa bawat yugto
Tanong sa sarili, kung titigil ba o tatakbo?
Tao lang naman ako na tulad mo, oh-oh-ohh

[Chorus]
Parang ihip lang ng hangin ang panahon
Maraming tatahakin sa bawat yugto
Tanong sa sarili, kung titigil ba o tatakbo?
Tao lang naman ako na tulad mo

[Chorus]
Parang ihip lang ng hangin ang panahon (Ohh)
Maraming tatahakin sa bawat yugto (Sa bawat yugto)
Tanong sa sarili, kung titigil ba o tatakbo?
Tao lang naman ako na tulad mo (Tao lang ako)
Na tulad mo, na tulad mo, na tulad mo, ohh

Tulad Mo Q&A

Who wrote Tulad Mo's ?

Tulad Mo was written by Julie Anne San Jose.

When did Julie Anne San Jose release Tulad Mo?

Julie Anne San Jose released Tulad Mo on Sun Jun 01 2014.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com