Tilaluha was the debut song of SB19- the first Filipino idol boy group trained under ShowBT, a Korean entertainment company that branched out to the Philippines. These boys are well rounded performers who can sing and dance a wide variety of genres, write their own music, and create their own choreo...
[Verse 1: Ken]
Sa tuwing ika'y nakikita
'Di mapigil ang luha sa aking mata
Pa'no nga ba, pa'no nga ba?
Pa'no nga ba'ng limutin ka?
Kung sa puso ko, ika'y nag-iisa
[Verse 2: Josh, Sejun]
Mali ba na ako'y umaasa?
Tama ba'ng nadarama para sa'yo sinta?
Bakit nga ba, bakit nga ba?
Bakit nga ba mahal kita?
Kung sa puso mo ay mayro'n nang iba
[Chorus: Stell, Sejun]
Unti-unting lunurin ang aking nadarama
Oh, buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa
Pa'no nga ba mapapawi, labis na pagdurusa
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka
[Verse 3: Justin, Sejun, Stell]
Kahit na ula'y tumila na (Ahh, ahh, ahh)
Luha sa aking mata'y patuloy pa
Ano nga ba, ano nga ba?
Ano nga ba'ng magagawa?
Kung hanggang ngayo'y mahal pa rin kita
[Chorus: Sejun, Stell]
Unti-unting lunurin ang aking nadarama
Oh, buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa
Pa'no nga ba mapapawi, labis na pagdurusa
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka
[Bridge: Sejun, All, Stell]
Lahat din ay mawawala
Kasabay ng pagtila ng nadarama
Unti-unting lunurin ang aking nadarama, oh-ohh
[Chorus: All]
Unti-unting lunurin ang aking nadarama
Oh, buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa
Pa'no nga ba mapapawi, labis na pagdurusa
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka, ohh
Tilaluha was written by PABLO (SB19) & Kim Kyeong Su & Geong Seong Han.
Tilaluha was produced by Han Tae Soo & Geong Seong Han.