[Verse 1]
Pabaling-baling sa hatinggabi
Umaasa antok ay dumalaw
At paulit-ulit, 'di pa rin mapigil
Mga luha sa pagsikat ng araw
Mangangarap na lang sa bituing 'di na makikita
[Chorus]
Kay pait ngang isiping naglaho na lamang bigla
'Di man lang napansin, ako'y nag-iisa na pala
Kumakapit pa sa nadarama
Na hanggang ngayo'y nariyan pa
Tangan ka pa
[Verse 2]
Humahadlang yaring puso sa isip
Na tuluyan nang makalimutan
Ang tamis ng 'yong halik
Wari ba'y nasa labi at 'di mahugasan
At pangarap na lang na muli tayo ay magkita
[Chorus]
Kay pait ngang isiping naglaho na lamang bigla
'Di man lang napansin, ako'y nag-iisa na pala
Kumakapit pa sa nadarama
Na hanggang ngayo'y nariyan pa
Tangan ka pa
[Bridge]
Hawak ko pa mga oras ng ika'y akin pa
Babaunin hanggang pagdating ng kailanman
[Chorus]
Kay pait ngang isiping naglaho na lamang bigla
'Di man lang napansin, ako'y nag-iisa na pala
Kumakapit pa sa nadarama
Na hanggang ngayo'y nariyan pa
Kay pait ngang isiping naglaho na lamang bigla
'Di man lang napansin, ako'y nag-iisa na pala
Kumakapit pa sa nadarama
Na hanggang ngayo'y nariyan pa
Tangan ka pa
Tangan Ka Pa was written by Kiko Salazar.
Bryan-termulo released Tangan Ka Pa on Fri Feb 05 2010.