[Verse 1]
Ilabas na ang tambol
Tambol ng kalayaan
Tugtugin, tugtugin
Gisingin ang bayan
Sa buong kapuluan at sangkatauhan
Katarungan, kapayapaan at kalayaan
[Chorus]
Sa abuso ng dayuhan
Sa pakikialam
Sa pagyurak ng dangal
Ng ating kasarinlan
[Verse 2]
Ilabas na ang tambol
Tambol ng pagbabago
Tugtugin, tugtugin
Gisingin ang mga tao
Sa buong kapuluan at sangkatauhan
Katarungan, kapayapaan at kalayaan
[Chorus]
Sa kawalan ng respeto
Sa karapatang pantao
Kapangyarihang inaabuso
Bayang may baril sa ulo, oh
[Instrumental Break]
[Verse 3]
Ilabas na ang tambol
Tambol ng kapayapaan
Tugtugin, tugtugin
Gisingin ang bayan
Sa buong kapuluan at sangkatauhan
Katarungan, kalayaan at kapayapaan
[Chorus]
Kapayapaang makatarungan
Doon lang makakamtan
Ang matuwid na lipunan
Walang sugat ng nakaraan
Tambol was written by Chickoy Pura.