[Verse 1]
Makikisilong lang
Magpapalipas ng ulan
Kwentuhan lang ang katapat (Kwentuhan lang ang katapat)
Pero mas masaya kung ilabas ang gitara
[Pre-Chorus]
Bigyan ng ingay itong gabi
Walang tahimik na sandali
Tara na
Umawit kasabay ng kanta
[Chorus]
Tuma-tambay at nagkakatitigan
Alam naman nila kahit na 'di mag-aminan
Tuma-tambay at nagkaka-igihan
Ito ang ating kwento (Abot-tenga ang ngiti ko)
Ituloy mo lang ang kwento
At tayo'y gagawa ng kanta
[Verse 2]
Tayo'y umawit pa
Hanggang malimot ang ulan
Damdamin ko'y ilalahad (Damdamin ko'y ilalahad)
Sa bawat himig ang buhay lagyan natin ng kulay
[Pre-Chorus]
Bigyan ng ingay itong gabi
Walang tahimik na sandali
Tara na
Umawit kasabay ng kanta
[Chorus]
Tuma-tambay at nagkakatitigan
Alam naman nila kahit na 'di mag-aminan
Tuma-tambay at nagkaka-igihan
Ito ang ating kwento (Abot-tenga ang ngiti ko)
Ituloy mo lang ang kwento
At tayo'y gagawa ng kanta
[Interlude]
[Bridge]
Tuma-tambay at nagkakatitigan
Binulong ko na 'to dati kung nakikinig ka lang
Tuma-tambay at nagkaka-igihan
Ito ang ating kwento
Ituloy mo lang ang kwento
At tayo'y gagawa ng kanta
(Ito ang ating kwento
Abot-tenga ang ngiti ko)
[Chorus]
Tuma-tambay at nagkakatitigan
Alam naman nila kahit na 'di mag-aminan
Tuma-tambay at nagkaka-igihan
Ito ang ating kwento (Abot-tenga ang ngiti ko)
Ituloy mo lang ang kwento
At tayo'y gagawa ng kanta
[Outro]
Tambay, oh, ooh-whoa, oh-whoa
Gagawan ka ng kanta
Tambay, oh, ooh-whoa, oh-whoa
Gagawan mo ng kanta
Tambay, oh, ooh-whoa, oh-whoa
Ito ang ating kwento
Abot-tenga ang ngiti ko
Ituloy mo lang ang kwento
At tayo'y gagawa ng kanta
Tambay was written by Gosh Dilay & Yael Yuzon.
Tambay was produced by Sponge Cola.
Sponge Cola released Tambay on Fri Mar 18 2011.